By Ambet R. Nabus
January 21, 2016

“Ang hirap pala,” sey naman ni Coco Martin sa role niya ngayon bilang si Paloma sa hit serye na Ang Probinsyano.

Undercover agent nga ngayon ang pulis na si Cardo bilang si Paloma na mukha, kilos at nagsasalita bilang babae, para madakip at mapanagot ang sindikatong nagpapatakbo ng prostitution den, na bumihag ngayon kay Carmen (Bella Padilla).

“Matagal na proseso ang ayusan. Talagang nag-hire pa kami ng magtuturo sa akin bilang isang babae,” dagdag pa ni Coco during his thanksgiving party for the showbiz press dahil nga sa success ng MMFF entry nila plus his Ang Probinsyano soap.

“Ngayon higit kailanman ko nauunawaan ang hirap ng isang babae. Nakaka-nerbyos na nakaka-excite din ang challenge, pero nakakainis din. Kasi mukhang mas marami pa akong naririnig na nagsasabing maganda pala ako kapag babae, kesa guwapo ako bilang si Coco Martin,” ang humahalakhak nitong kuwento.

Tatagal pa hanggang sa July ang kaniyang soap na Ang Probinsyano at marami pa raw pasabog na magaganap lalo pa’t sa maliit daw pala nilang pamamaraan ay nakakatulong sila sa pagpapababa ng crime rate sa bansa.

“Opo, may isa pong colonel na lumapit sa amin nung nag-taping kami sa Camp Crame. Nagpapasalamat po ito dahil ayon nga daw po sa record nila, bumababa daw ang crime rate reports nila kapag oras na ng Ang Probinsyano,” saad pa ni Coco.

Source: http://kabayanweekly.com/crime-rate-bumaba-dahil-sa-ang-probinsyano-ni-coco-martin/

Leave a comment