Philstar

Kahapon ang 84th birthday ng veteran actress na si Gloria Romero. Mahirap makalimutan ang kaarawan ni Tita Glo dahil nagsisimula tuwing December 16 ang Simbang Gabi.

Isa si Tita Glo sa veteran actors na hinahangaan at nirerespeto. Biro mo, 84-years old na siya pero active na active pa rin ang showbiz career niya.

Regular na napapanood si Tita Glo sa Kambal, Karibal at Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA 7 at siya ang gumanap na lola ni Coco Martin sa Ang Panday.

Hindi personal na magkakilala sina Coco at Tita Glo kaya nagulat ito nang makatanggap siya ng tawag sa telepono. Sinabi ng caller na gusto ni Coco na makatrabaho si Tita Glo sa Ang Panday kaya touched na touched ang veteran actress.

Ang sabi ng mga nakapanood sa Ang Panday, binigyan ng importansya ni Coco si Tita Glo sa mga eksena nito. Siyempre, malaking karangalan din kay Coco na makasama sa pelikula ang isa sa mga living legend ng Philippine movie industry.

Leave a comment