Journal

KITANG-KITA sa isang post na nakita namin sa social media kung gaano ka-attentive si Jake Cuenca sa pakikinig sa instructions na binibigay sa kanya ni Coco Martin habang nagsusyuting sila ng 2017 Metro Manila Film Festival movie na  Ang Panday.

Jake is playing the role of Lizardo, ang main villain sa Ang Panday. Coco naman will direct the film for the first time using his real name na Rodel Nacianceno.
    
Sa huling interbyu  namin kay Coco, halatang-halata na pagod siya at walang pahinga. Medyo nahihirapan daw talaga siya na pagsabayin ang pagti-taping ng  Ang Probinsyano at syuting ng Ang Panday.
    
“Pero kinakaya ko pa naman. Kaya naman basta huwag lang akong magkakasakit,” sabi niya sa amin.
    
Samantala, kahit medyo nag-a-adjust pa bilang direktor, sinisigurado naman ni Coco na ayos ang trabaho niya at ng  kanyang production team.
    
“Gusto naming maibigay ’yung makakapagpaligaya sa mga manonood. ’Yung pelikula na pupuwede talagang ipagmalaki,” sey niya.
    
All star cast ang Ang Panday na karamihan ay galing din sa Ang Probinsyano. Si Mariel de Leon naman ang leading lady ni Coco sa pelikula.

Leave a comment