Philstar

Kabilang si Jake Cuenca sa pelikulang Ang Panday na pinagbibidahan ni Coco Martin. Si Coco rin ang nagprodyus at nagdirek ng nasabing proyekto. Para kay Jake ay mahu­say bilang direktor si Coco kahit ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagdirek ito. “I love it. I love him as a director. Lahat ng artista, we all wish to have an actor as director. Coco Martin is an actor’s director. Naiintindihan niya kung anong pinagdadaanan ng artista in a scene-to-scene basis. Not a lot of current directors know that,” nakangiting pahayag ni Jake.

Ang binata ang napiling gumanap bilang si Lizardo sa makasaysayang pelikulang pinasikat noon ng Hari ng Aksyon na si Fernando Poe, Jr. Nagampanan daw nang maayos ni Jake ang kanyang karakter dahil sa tulong ni Coco. “Hindi ka niya ilalagay sa alanganin. In this movie, he just let me play. He trusted me so much na makakapagbigay ako ng performance na kakaiba. I am so happy. Nanonood ako ng fight scene noong huli, halos naiiyak ako kasi ang ganda. Ang ganda ng movie na ito. I am so lucky to be part of this movie,” pagbabahagi ni Jake.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring makapagdirek ng aktor katulad ni Coco. “I am going to study first. I don’t want to direct until I study. Like with acting, my confidence comes from what I studied. When it comes to directing, the day that I do it, gusto ko at par ang directing ko with my acting,” giit ng aktor.

1 comment

  • kat

    love it

    Reply

Leave a comment