By Ervin Santiago | Bandera

ITINUTURING ni Coco Martin na lucky charm ng FPJ’s Ang Probinsyano ang dalawang Kapamilya child stars na sina Onyok Pineda at Awra Briguela.

Patuloy pa ring humahataw sa ratings game ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya kahit mahigit isang taon na itong umeere sa Primetime Bida ng ABS-CBN ay nananatili pa rin itong numero unong programa ng Kapa-milya network. Hindi pa rin bumibitiw sa programa ang madlang pipol kaya naman patuloy pa rin ang pagpasok ng mga TV commercials sa serye nina Coco, Onyok, Awra at Ms. Susan Roces.

In fairness, talagang malaki ang naitulong nina Onyok at Awra sa tagumpay ng serye ni Coco dahil kuha nito ang mga batang manonood. Bago kasi patulugin ng kanilang mga ma-gulang (dahil may pasok pa sa school), hinahayaan muna silang manood ng Ang Probinsyano. Kaya tuhog ng serye ang buong pamilya, pati na rin ang mga tambay sa kanto na idol na idol si Coco.

Nakakabilib naman kasi talaga ang talento sa akting ng dalawang bagets, napa-kabago pa lang nila sa industriya pero napakarami na nilang napatunayan bilang mga artista.

Tulad ng laging sinasabi ni Coco sa mga panayam, naka-jackpot talaga sila sa dalawang bata.

“Napakaswerte talaga namin. Kasi, napakahirap humanap ng mga batang artista ngayon na may talent talaga. Sina Makmak at Onyok masasabi kong gifted sila. Hindi naman namin sinasadya, pero para kaming nakapulot ng ginto,” pagmamalaki ni Coco kina Onyok at Awra.

Source: http://bandera.inquirer.net/143926/onyok-awra-lucky-charm-ni-coco-sa-ang-probinsyano-gifted-silang-dalawa

Leave a comment