(Pilipino Star Ngayon)

MANILA, Philippines – Nakakuha ng 47 percent national audience share ang ABS-CBN ayon sa datos ng Kantar Media.

Nangunguna sa sampung pinakapinanood na mga show ay ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin with an average national TV rating of 41.2%. Kuhang-kuha ng show ang kiliti ng mga manonood dahil napapanahon ang mga maaksyon na episode nito.

Sinundan ito ng The Voice Kids (39.4%), Dolce Amore (34.5%) na may worldwide trending sa hashtag na most beautiful finale.

Pasok din ang pagbabalik nina James Reid at Nadine Lustre sa primetime via Till I Met You (28.5%). Dito ay napatunayan ng mga manono­od kung gaano talaga nila na-miss ang real and reel love team dahil sa mataas na rating sa simula ng show hanggang sa kasalukuyan.

Ang iba pang Kapamilya shows na nasa top ten ay ang Wansapanataym (34.1%), TV Patrol (32.7%), MMK (31.8%), Home Sweetie Home (28.2%), Goin Bulilit (27.2%) at TV Patrol Weekend (22.4%).

Ayon pa sa datos ng Kantar Media, na-hot din ng ABS-CBN ang national national audience share of 50% sa primetime na higit na mas mataas ng 31% sa kabilang istasyon.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bumida rin ang iba pang Kapamilya shows sa morning block (6AM to 12NN) with 41%, noontime block (12NN to 3PM) with 45, and afternoon block (3PM to 6PM) with 48%.

Ang Kantar Media ay ang leading television (TV) audience measurement provider na may kakayahang makakalap ng TV viewing data sa digital at ana­log platforms.

Source: http://www.philstar.com/psn-showbiz/2016/09/05/1620472/probinsyano-ni-coco-palum-palo

Leave a comment