By Ervin Santiago
Bandera

Tuwang-tuwa ang mga manonood sa bagong karakter na ipinakilala nu’ng Lunes at Martes ng gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano – si Makmak na ginagampanan ng internet sensation na si McNeal Briguela.

Nakilala si McNeal bilang si “Aura” na sumikat sa mga nakakaloka niyang video sa social media. Una siyang lumabas sa Ang Probinsyano bilang batang nambu-bully kay Onyok (Simon Pineda) sa iskul.

Sa gitna ng maaaksiyong eksena ni Cardo (Coco Martin) laban sa mga miyembro ng riding-in-tandem, agaw-eksena naman si Makmak na may secret crush kay Cardo. Talagang aliw na aliw ang mga viewers sa eksenang kinilig ang batang beki nang akbayan siya ni Cardo.

Patuloy na humahataw sa ratings game ang Primetime Bida series ni Coco sa ABS-CBN kaya naman mas lalo pang ginaganahan ang aktor at ang buong production sa pagpapaganda ng kanilang programa.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano ang nananatiling nasa number one spot sa Top 10 most watched programs sa bansa with 41.2% base sa latest survey ng Kantar/Media.

Source: http://bandera.inquirer.net/119927/youtube-star-bagong-admirer-ni-coco-sa-ang-probinsyano

1 comment

  • princess sab pantua

    Wish to see you coco martin I love YOU

    Reply

Leave a comment