Kagabi sa nangungunang teleserye ng bansa, FPJ’s Ang Probinsyano, nagpatuloy na nga ang pinakaaabangan bakbakan sa pagitan ng Special Armed Forces (SAF) at ng rebelde. Sa kasamaang palad ay hindi pumabor ang bagay kinla Cardo (Coco Martin) at halos ubusin sila nila Alakdan (Jhong Hilario).

Nangyari ang madugong insidente na ito dahil sa pagsasabotahe nila Director Hipolito (John Arcilla) at ni Major Catinding (Sid Lucero). Ang dalawang mataas na opisyal ng gobyerno ay ni-leak ang plano ng military dahil sa itim nilang balak.

Kaya naman sila Cardo ang nag-dusa sa huli. Dahil sa alam ng kalaban nila ang kanilang plano, naisipan nila na maghintay hanggang umaga upang hindi sila mahirapan sa pagharap sa mga rebelde ngunit lalo pa silang natalo dahil sa sunod-sunod na pangbobomba at pangbabaril sa kanila, at isa-isa na nga silang nalagas.

Ilan sa mga namatay kagabi ay si PO3 Bong de Vera (Zeppi Borromeo), PO3 Reyes (Sandrino Martin), at si PO3 Christian Clemente (Domic Roque). Habang sina SPO3 Geraldo dela Paz (Ejay Falcon), SPO2 Bernardo Quinto (Ron Morales, at PO3 Katrina Velasco (Louise delos Reyes) ay binihag at dinala sa kampo ng rebelde dahil mukhang may pinaplano sa kanila si Romulo “Leon’ Dumagit (Lito Lapid).

Sa awa ng Diyos ay nabuhay si Cardo mula sa pangbabaril sa kanya ni Alakdan. Ngunit siya ay nasa malubhang kondisyon.

At habang nangyayari ang mga iyan, ay umulan ng samo’t-saring reaksyon at papuri mula sa mga netizens. Nag-trend pa nga ang Cardo at #FPJAPUbusan dahil sa tunay namang magandang episode kagabi.

Ang iba naman ay di mapigilan ikompara ang nangyari kagabi sa FPJ’s Ang Probinsyano at ang malagim na nangyari sa Fallen 44. At mas lalo pa daw nilang papahalagahan ang mga ginagawa ng ating mga sundalo dahil sila ay tunay na bayani.

Mamaya ay dapat talaga nating lahat abangan ang mangyayari kay Cardo. Meron bang makakasaklolo sa kanya? O mahuhuli din siya ng kalaban? Samantala, ano kaya ang magiging kapalaran ng nadakip na sundalo? Panoorin mamaya yan sa FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol sa Kapamilya Network at wag kalimutan gamitin #FPJAPNabihag sa iyong mga tweets.

1 comment

  • Nora Untal

    it relates to me the episode I have son US MARINE his life in danger every single day but his love of the country have to do sacrifices to protect our citizens keep safe is realiaties what happening in the world to protect our freedom I SALUTE OUR SOLDIERS😐

    Reply

Leave a comment