Hindi napigilan ng sambayan ang kanilang mga luha kagabi dahil sa hindi inaasahang pagkawala ng anak ni Alyanna (Yassi Pressman) at Cardo Dalisay (Coco Martin) na si Baby Ricky (Al Vaugh Chier Tuliao).

Si Alyanna at Baby Ricky ay ilan lamang sa maraming naging biktima ng pangbobomba sa mall ng mga kalaban ng lipunan. Ang mag-ina ay pumunta sa mall upang makipagbonding sa mga magulang ni Alyanna ngunit naging malagim ang nangyari sa kanila.

Ng malaman ni Cardo ang malaking insidente ay agad itong kumaripas sa mall upang saklolohan ang kanyang mag-ina. Ngunit ang tumaMbad sa kanya ay ang sugatan at agaw-buhay niyang asawa at ang malamig na bangkay ng kanyang pinakamamahal na anak.

Humagulgul si Cardo at agad niyakap ang kanyang kawawang anak. Sumabay sa pagluha ni Cardo ang mga apektadong netizen na hindi rin matanggap ang masakit na pangyayari. Iba sa kanila ay galit pa nga sa mga kalaban ng lipunan.

Marami rin ang nakapansin sa galing ng pag-arte ni Coco, na kuhang-kuha ang pagdudusa ng isang amang nawalan ng anak.

Mamaya ay dapat nating lahat abangan ang pagluluksa ng mag-asawa. At ano kaya ang gagawing hakbang ni Cardo? Abangan yan mamaya sa #FPJAPPagluluksa.

4 comments

  • Lhetz Gomez

    Kahit sino ay mahahabag sa nangyari kay Ricky Boy.. napaka bibong bata at talaga namang naghahatid sya ng saya ng,ligaya sa pamilya Arevalo Dalisay at sa mga CIDG… but so sad na maaga syang nawala..pero saludo talaga ang sa batang gumaganap na Ricky Boy.. ang galing galing nya πŸ˜šπŸ˜™πŸ˜˜ sana magkaroon pa sya ng ibang teleserye o movie kasama si Coco Martin…

    Reply
  • Evangeline Dugay

    Nkkaiyak na nkakainis…heheh..
    Kasi nmatay ung anak ni cardo…sana ng 50/50 nlng tas nbuhay pa..pra happy nmn sa huli..haissst!!
    Cute pa nmn ni baby ricky😒😒

    Reply
  • jocelyn caysip

    Sana bumalik n uli s serbisyong pag pupulis c cardo…sayang c ricky boy magaling n bata..

    Reply
  • Che Elisterio

    Best actor k TLg coco,naiyak ako s episode n yun gling mong mgdl IDOL Tlg kta,the best k,

    Reply

Leave a comment