Patuloy pang nagiging eventful ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa pagpasok ni Onyok sa private school, sa unti-unting pagdiskubre ng nararamdaman ni Glen kay Cardo, at sa pagdating ni Philip Tang (Richard Yap) sa Pilipinas.

“Ano ba talaga ang ibig sabihin ng my gas?!” – Onyok

Una munang nagpakilig ang sulat ni Glen kay Cardo na napunta kay Cardo dahil kay Onyok. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabasa ni Cardo ang laman ng sulat ni Glen ukol sa nararamdaman ni Glen para sa kanya. At dito nagsimulang medyo maging ‘akward’ pero nakakatuwa ang mga galaw ni Glen. Pilit niya kasing itinatanggi na hindi lang si Cardo ang sinulatan niya (hashtag tanggi pa more, Glen!)

Nagkaroon naman ng medyo maaksyong tagpo sa eskwelahan ni Onyok ng pumasok ang dalawang hostage-taker at hinostage si Iñigo kasama ang iba pang mga bata. Aakalain na maililigtas agad-agad ni Cardo ang mga bata pero nahuli din siya ng isang hostage-taker.

Dito nakita ang kahanga-hangang pagganap ni Coco Martin dahil sa pakikipag-usap niya, bilang si Cardo, sa isang hostage-taker, at na-convince pa niyang palayain ang mga bata. Lahat talaga ay nadadaan sa maayos, mahinahon at mabuting usapan.

Papayag na sana ang hostage-taker na sumuko dahil sa pakiusap ni Cardo ngunit ang isang pulis, na kaibigan ni Joaquin, ay binaril ang hostage-taker na kinainit ng ulo ni Cardo.

Dahil sa mga kapanapaanbik na mga eksena, nakikita naman ang patuloy na pagsubaybay ng mga manonood sa Pinakamalupet na Bida ng Primetime. #ThankYouForTheLove

#Repost @dreamscapeph " #ThankYouForTheLove! #FPJAPLipat mamaya pagkatapos ng TV Patrol."

A photo posted by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Leave a comment