Noong March 18, 2015, Miyerkules, kinilala si Coco Martin bilang Best Male TV Personality sa UmalohokJuan Awards 2015 ng Lyceum of the Philippines University. Ang UmalohokJuan Awards ay ang award-giving body ng Lyceum na kumikilala at pinaparanagalan ang mga kahangahangang artista o personalidad at pati na rin mga programa sa telebisyon at radyo.
Masayang nagpasalamat ang Primetime King at Prince of Philippine Independent Films sa mga bumubuo ng UmalohokJuan: “Maraming maraming salamat po sa UmalohokJUAN sa karangalan po na ipinagkaloob niyo sakin. At, sana po sa susunod na taon, magkitakita po ulit tayo. God bless you and more power po sa inyong lahat. I love you!”

Itinanghal din naman si Anne Curtis bilang Best Female Personality, “Matanglawin” bilang Best Youth Oriented Program, “TV Patrol” bilang Best News Program at, ang ABS-CBN network ang hinirang na Best TV Station.

Leave a comment