Sunod-sunod ang parangal na natatanggap ng paborito ng marami at hinahangaang Primetime King na si Coco Martin. Kamakailan lang ay kinilala na naman ang kanyang talento sa pag-arte at ginawaran siya ng parangal ng Northwest Samar State University Students’ Choice Awards for Radio and Television 2015 (NSCART is an annual event that recognizes excellence in broadcast and media arts).

Iginawad ng NSCART 2015 kay Coco ang Best Actor in Primetime Teleserye for ‘Ikaw Lamang.’ Kung susumahin ay ito na ang kanyang ika-apat na award para sa ‘Ikaw Lamang’ at ang kanyang ikatlong award mula sa nasabing award-giving body (2014 – Juan Dela Cruz; 2012 – Walang Hanggan).

Hindi man nakapunta si Coco sa Calbayog, Samar kahapon, March 5, 2015 para personal na tanggapin ang nasabing award; nakapagpasalamat naman siya sa NSCART at sa mga estdyante at guro na sumusuporta sa kanya sa pamamagitan ng isang video clip: ‘Northwest Samar State University, maraming maraming salamat po sa karangalan na ipinagkaloob niyo po sa akin. Sana po, huwag kayong magsawa na tangkilikin ang bawat soap operang ginagawa ko. Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga estudyante at guro po na bumoto sa ‘kin. Mahal na mahal ko po kayo.’

Marahil ay lalong magsilbing inspirasyon pa ito kay Coco para paghusayan ang kanyang pag-arte sa ginagawa niyang proyekto ngayon kasama si Julia Montes – ang ‘Wansapanataym presents Yamishita’s Treasures.’

Leave a comment