Labis ang galit ni Homer “Alakdan” Adlawan (Jhong Hilario) ng malaman niyang trinaydor siya ni Fernan (Coco Martin). Pinadala niya kasi ito sa Maynila upang kunin ang isang bag at dalhin ito sa Valle Blanca, kung saan naganap ang presscon ni Senator Mateo F. de Silva (Joko Diaz).

Gusto na kasing tapusin ni General Renato Hipolito (John Arcilla) si Mr. de Silva dahil lamang ito sa kanya sa poll ng pagkasenador. Ngunit hindi siya nagwagi dahil ng malaman ni Cardo na bomba pala ang dala niya ay agad niya itong ihinagis sa ere upang walang masaktan.

https://www.instagram.com/cocomartin_ph/

Abangan ang pagtutuos. #FPJAPAgilaVsAlakdan.

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Dali-daling tumakas si Cardo na dala-dala ang kaalaman na si Homer ang may pakana ng mga nangyaring pangbobomba na kumitil sa kanyang anak na si Ricky Boy, Jr.

Pagbalik ni Cardo sa kampo ng Pulang Araw ay buo na ang loob nito na pabagsakin si Alakdan at ang Kamandag kaya agad siyang kumuha ng baril at nag-martsa sa kampo ng Kamandag.

“Naalala niyo ba noong Hunyo a-bente-otso? Isa ang anak ko sa nabiktima niyo. Nandito ako para singilin kayo!” saad ni Cardo sabay sa pagbuhos ng bala sa buong Kamandag.

Wag nang palagpasin ito at tumutok mamaya sa undisputed number one program, FPJ’s Ang Probinsyano, pagkatapos ng TV Patrol. Wag rin kalimutan i-tweet ang inyong mga reaksyon at gamitin ang hashtag #FPJAPAgilaVsAlakdan

A MAJOJR TV EVENT IS HAPPENING tonight in #FPJAPAgilaVsAlakdan THIS IS A MUST-WATCH EPISODE!

A post shared by Eric John Salut (@ericjohnsalut) on

Leave a comment