Proud na iprinesenta ng Hari ng Telebisyon at Hari ng Pelikula Coco Martin sa harap ng maraming tao ang Ang Panday game app kahapon sa eSports and Gaming Summit sa SMX Convention Center.

Ayon kay Coco, hindi lang basta-basta ang Ang Panday game app dahil binase niya ang istorya sa mismong pelikula nito na moderno ang timpla. Dagdag pa diyan, inilaan daw ni Coco ang laro para sa buong pamilya, lalong-lalo na sa mga kabataan, dahil gusto niyang maka-relate sila sa istorya nito.

@mr.cocomartin #AngPandayGameLaunch. #CocoMartin #AngPanday #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

“Hindi lang siya basta laban. Nilagyan ko siya ng misyon, may reason kung bakit siya nakikipaglaban, may dahilan ang bawat laban,” saad ni Coco sa naganap na presscon.

Ang mobile game app ay isang adventure game kung saan ang player ay maglalaro bilang si Flavio na lalabanan sina Lizardo at ang mga kampon niya. Ilang bagay na makakatulong sa misyon ang pwedeng makuha ng player mula sa mga kalaban. Pag nagwagi ang player ay magpapatuloy siya sa susunod na stage.

#AngPandayGameLaunch. @mr.cocomartin. #CocoMartin #HariNgPelikula #AngPanday #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Sa ngayon ay 5 stages pa lang ang malalaro dahil gusto ng ipa-experience ni Coco ang Ang Panday sa halos lahat ng tao.
Kasama ni Coco sa presscon ang mga business partners niya sa Cosyn na sina Co-Founder Elize Estrada, Managing Director Jackeline Chua, at Senior Manager for Business Miker Rivero.

Ang Cosyn ay isang mobile app developing company na pagmamayari ng Coco Martin at Synergy 88 Digital Inc.

Ang Ang Panday game app ay pwede ng i-download sa Google Playstore na malalaro ng libre at offline.

Leave a comment