Marami ang nasorpresa sa ganda ng trailer ng epic action-adventure movie, Ang Panday. Bukod sa kakaibang atake ni Coco sa karakter ni Flavio, hindi inasahan ng marami ang mala “hollywood” special effects nito.

“Wow ang ganda ng trailer paano pag full movie na ang gaganda ng mga visual effects. Galing mo talaga lodi Coco,” sabi ni Amie Gaylan, isang netizen.

“Ang ganda ng graphics! Kaabang abang talaga ito 😍 ❤ Coco, Jake, Fliptoppers, McLisse, Dreamscape Kids at ibat ibang beterandong actor pa 😍 ❤ MAGANDA ANG PASKO NATIN 😍PANOORIN NATIN ITO 😍,” sabi naman ni Duday Esparas.

“Finally! Ang ganda ng editing at cinematography! nice! congrats ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema) tska sa editor nito. kudos sa inyo! hahakot ng award ‘to for sure,” puri ni Kite Kitets.

Ininanunsyo ngayong araw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na rated G ang pambihirang Pamasko ni direk Rodel Nacianceno – ang tunay na pangalan ni Coco. Ibig sabihin, ito ang magandang regalo sa pamilya ngayong Pasko.

At habang pinapanood niyo ang FPJ’s Ang Probinsyano mamayang gabi, isa na namang tagapaligtas ang magpapamalas ng kanyang galing dahil mapapanood niyo rin ang full trailer ng Ang Panday.

Sa pagbabalik ng iconic Pinoy hero, bibigyang buhay ni Coco ang apo ng orihinal na Ang Panday (Fernandoe Poe, Jr.), si Flavio Batungbakal III na laking Tondo at mapagmahal sa kanyang pamilya. Biglang mababago ang buhay ni Flavio sa pagdiskubre ng kanyang tunay na katauhan at sa paglaganap ng kasamaan, na pinamumunuan ni Lizardo (Jake Cuenca).

Pero wag mangamba, dahil ngayon Pasko, si Flavio ang bahala sa ‘yo!

Watch the full trailer below.

Leave a comment