Kilala siya bilang huling mambabatok o traditional tattoo artist mula sa Buscalan, Kalinga. Dinadayo ang 100-gulang na mambabatok ng libo-libong turista mula sa lahat ng sulok ng mundo. Siya si Apo Whang-Od.

Kinikilala man ng nakararami bilang National Artist, nakakamamangha na simple lang ang hiling niya: makita at mayakap ang taong pinanunuod niya gabi-gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano, si Coco Martin.

Noong 2016, pinagusapan si Apo Whang-Od sa social media ng makita ang video kung saan iniimbita niya si Coco na pumunta sa Buscalan.

Kaya noong Hulyo ay pinuntahan siya ng Team Coco Martin PH upang ibigay ang mga regalo na galing mismo kay Coco. Nakakuha si Apo Whang-Od ng FPJ’s Ang Probinsyano at Ang Panday T-Shirt, jacket, kumot na may burda ng pangalan nila, at litratong meron autograph.
Bukod pa diyan, meron siyang special greeting mula sa aktor.

Hindi napigilang umiyak ng legendary tattoo artist sa mga nakuha niyang regalo at video greeting. Mas lalo pa siyang nasabik sa pagkikita nila ni Coco. Hindi inaasahan ng marami, mangyayari na pala ito ngayon.

Sa isang lugar sa Quezon City, excited na hinintay ni Coco si Apo Whang-Od na sumakay pa ng helicopter mula sa Buscalan. Kasama ang kanyang pamangkin na si Grace na isa ring mambabatok, dumating si Whang-Od na bakas na bakas sa mukha ang saya.

Ngunit walang nakapaghanda sa kanya sa pagkikita nila ni Coco dahil ng sinalubong na siya ng aktor ay hindi siya makapaniwala. Naka-ilang tingin siya kay Coco na abot tenga rin ang ngiti.

“Gwapo siya sa personal,” sambit ni Apo Whang-Od na tunay na kinilig.

@mr.cocomartin at Apo Whang-Od nagkita na! #TattoONaTo

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

“Gwapo siya sa personal,” sambit ni Apo Whang-Od na tunay na kinilig.

Gaya rin noon, hindi napigilang umiyak ni Apo Whang-Od dahil nakita niya na si Coco. Bukod sa kagwapuhan, gustong gusto niya ang aktor dahil hindi Ito mahilig sa kissing scene. Dagdag pa niya, balak ni Whang-Od na tattooan si Coco ng centipede dahil sa katapangan nito.

Pagkatapos ng hapunan at kwentuhan nila, personal na hinatid ni Coco si Apo Whang-Od sa kanyang kotse. Ngunit bago siya sumakay ay mahigpit siyang niyakap ni Coco at kahit sa pagpasok niya sa loob ng sasakyan ay alagang alaga pa rin ang aktor sa kanya.

Team #CocoMartinPH, @mr.cocomartin, Apo Whang Od, Grace at Kuya Charlie. #TattoONaTo #CocoMartin #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Pangako ni Coco, siya naman ang bibisita kay Apo Whang-Od sa Buscalan. Abangan!

Isa ka rin ba sa mga nagabang sa pagkikita nila Coco Martin at Apo Whang Od? Saksihan dito ang itinakdang pagtatagpong punong puno ng kasiyahan at pagmamahal. #TattoONaTo #CocoMartin #ApoWhangOd #B617

Posted by Coco Martin PH on Wednesday, October 18, 2017

1 comment

  • Michelle Ocampo

    Iba ka talaga idol Coco kaya nga mahal na mahal ka namin at totoo lahat ang pinapakita mo sa harap at sa likod nang camera god bless you at stay humble at sana wag kang magbago sana pasyal ka dito sa Singapore kasi idol karin nang mga anak ko at asawa.

    Reply

Leave a comment