In the Digital Conference of FPJ’s Ang Probinsyano (which will start on September 28, 2015), Coco Martin was asked with quirky and interesting questions. And, the Primetime King was game enough to answer each and every question which was thrown to him.

Coco Martin_DC

Kapeng Barako o Kapeng Amerikano? Barako ako eh. Lalo na sa Batangas. Hindi ako sosyal eh!

Boxers or Briefs? ‘Wala! (laughs) Para diretso na! Hindi, ano ako eh..boxers.

Jacket o Sapatos? Sapatos. Kasi ang sapatos lalo na pag leather shoes.. pag tumatagal yan, pwede mo pang ipamana eh.

Julia Montes or Maja Salvador? Hindi ko alam. Pareho silang magaling na artista. Parehong maganda. Napakarami naming trabaho na pinagsamahan. Pareho ko silang mahal eh. Hindi ko alam, pareho.

In a separate interview, Coco was asked regarding his two leading ladies in FPJ’s Ang Probinysano.

“Sobra talaga akong na-excite na makatrabaho si Maja kasi iba eh iba yung tandem namin, either sa camera yan.. sa stage yan. Maraming akong bagay na natututunan kay Maj. Lalo na kapag nagsho-show kami sa stage, sa harap ng maraming tao. Siya yung isa sa mga nagpalakas ng loob ko. Dati stiff ako eh at sobrang mahiyain talaga ako eh. Pero si Maj siya yung nagturo sakin na parang nandito tayo para pasayahin ang mga manonood natin.”

“(Bela Padilla) Nakakatuwa po sa kanya is sincere siya. Napakabait niyang katrabaho. Siguro bago siya sa abs, siguro mas bata siya kesa sakin. Gusto niyang matuto.. nakikinig siya sakin, sa direktor namin, Nakikipagkwentuhan din po siya kay Tita Susan. Ang kinaganda po kasi sa kanya eh yung willing siyang ibigay lahat.. wala siyang boundaries..”

Maging Pari o Maging Pulitiko? (long silent pause) Magkaiba po kasi eh. Pareho po silang maimpluwensiya pero.. magkaiba kasi yung purpose nila eh. Ang pari para turuan tayo na gumawa ng kabutihan..ah ano..pari na lang! Pari!

Teleserye o Pelikula? Parang Maja Salvador at Julia Montes to ah. Pareho ko kasing love yan eh. Kumbaga nanggaling ako sa indie, and then andito ako ngayon sa mga teleserye. Magkaiba kasi sakin yan eh. Iba ang ibig sabihin sakin ‘pag gumagawa ako ng pelikula. Mas nilalabas ko ang artistic side ko.. wala akong kinoconsider na kung sino ang market ko. Ang kino-cosinder ko is gagawin ko yan na wala akong limitasyon. Pag gumagawa naman po ako ng teleserye o ng mainstream movie, lagi kong kino-consider ang aking mga manonood kasi mas malaki yung captured market ko eh. Pareho ko po silang gusto (laughs). Mahirap pong mamili eh.

Anak na Lalaki o Anak na Babae? Honestly, gusto ko talaga anak na lalaki. Kasi marami akong mga bagay na gustong i-share sa kanya, may mga bagay akong gustong ipamana sa kanya. Pero alam ko na mas sweet ang anak na babae.

He also shared his ‘social media habit’ and on how careful he is when he posts in his accounts. “Napaka-careful ko magpost at magcomment. Bilang artista, napakalaki ng responsibilidad ko sa aking mga manonood.. sa mga taong humahanga sakin.. sa mga taong umiidolo sa’kin. Kasi kung ano yung ilalagay ko dyan, kung ano yung ipapakita ko dyan, yun ang iisipin nila na tama, maganda at, uso. Aminin na natin, mas may time ngayon ang mga kabataan sa mga cellphone, sa ipad, sa computer. Pag nagkamali ako ng nilagay dyan, maaring ma-impluwensyahan ko pa sila ng hindi magandang bagay..”

1 comment

  • Carmen

    Napakabait na bata…Walang kayabang yabang…

    Reply

Leave a comment