Marami ang tumigil ang hininga kagabi matapos matagpuan na tinutulungan ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang mga sugatang kasamahan niya na sina SPO2 Geraldo “Gerry” dela Paz (Ejay Falcon) at PO3 Katrina “Kat” Velasco (Louise delos Reyes).

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Sariling mga kaibigan ni Cardo sa Pulang araw na sina Bulate (Bassilyo) at Butete (Smugglaz) ang nakakita sa kanya matapos siyang sundan dahil una nilang inakala na tutugusin ng taong kinikilala nila bilang Fernan ang mga nakawalang sundalo. Ang tumambad sa kanila ay si Cardo na nagbibigay tulong sa dalawang sugatan na sundalo. Agad nilang tinutukan ng baril at tinawag na traydor ang kanilang kaibigan.

Malalaman na ang tunay na pagkatao ni Cardo! Abangan ngayong gabi sa #FPJAPSuspetsa

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Ngunit hindi lang sila ang tumatawag na traydor kay Cardo, maging nakakarami sa lipunan ay tinatawag siyang espiya. Matapos kumalat ang video ng tapat na SAF na kasama niya ang mga Pulang Araw at nang may lumabas pa na diumano’y miyembro ng rebelde, na nagdiin sa pangalan niya, nabalot ng pagdududa at galit ng mga tao.

Sa sobrang galit ng mga tao ay marami ang sumugod sa bahay nila Lola Flora. Gulat na gulat ang lola ni Cardo at ang kanyang buong pamilya ng sabihan sila nito na isiwalat na kung nasaan ang tunay na kinaroroon ng kanyang apo at ng Pulang Araw. Karamihan sa mga nanggulo ay namatayan noong nagkaroon ng pangbobomba ang grupo ni Alakdan (Jhong Hilario) na nakasawi kay Ricky Boy.

Buti na lang ay nagpakitang tao si Kapitana Gina Magtanggol (Mitch Valdez) at hinikayat na umalis na ang mga nanggulo sa bahay nila Lola Flora. Ngunit kahit na umalis na ang ito, sobrang naapektuhan si Lola Flora, Alyanna at ang buong pamilya nila, lalong lalo na ang mga bata.

Gayon pa man, naniniwala si General Diana Olegario na malinis ang pangalan ni Dalisay. Kelan kaya niya malalaman na ang sariling mga katrabaho niya ang utak sa kasamaang nagaganap sa buhay nila at ng lipunan? Bukod pa diyan, makakaalis na ba sila Cardo sa kuta ng Pulang Araw ng buhay? Abangan yan at marami pa sa number one show nationwide, FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

Magkakalantaran na. Abangan mamaya sa Number 1 Program in the Philippines on its 2nd Year #FPJsAngProbinsyano #FPJAPNagmamatyag pagkatapos ng TV Patrol. @mr.cocomartin #TheUndisputedNo1ProgramNationwide#HariNgTelebisyon #CocoMartin #HariNgPelikula #AngPanday #B617

Posted by Coco Martin PH on Thursday, September 21, 2017

1 comment

  • Joy

    Sana makalaya ang mga kasamahan ni cardo at maging kakampi nya sina bulate at butete…d na aq makapaghihintay!!! Excited na po aq.. 😂😂😂

    Reply

Leave a comment