Pang-Masa

Katuwa si Coco Martin, ang super hero at anino ng yumaong Hari ng Aksyon na si Fernando Poe Jr.

E, kasi hanggang ngayon pala ay ayaw niyang maniwala na sikat na sikat na siyang aktor maging sa ibang bansa.

Ilang foreign countries na ba ang napuntahan niya na pinagkaguluhan siya? Hanggang ngayon, low profile pa rin si Coco. Aba, don’t tell us na gusto mong balikan ang kahirapan noong nagsisimula ka pa lang sa larangan ng showbiz?! E, may nagsabi sa amin na itong si Coco raw ay talagang mababa ang loob, hindi mayabang, hindi pasikat, at may pagkakuripot. Siguro kasi laki siya sa hirap kaya alam niya ang kanyang ginagawa.

At super proud si Coco dahil sa taas ng ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano. Naniniwala pala ang aktor, na kahit wala na ang isang tao, gagabayan ka nito sa anumang bagay na dinasal mo. At malaking tulong si Ms. Susan Roces sa nasabing series, plus ang isa pang close sa yumaong FPJ na kasama nila sa serye, si Lito Lapid.

Leave a comment