Sa larangan ng showbiz iilang aktor lang ang matatawag na Primetime King o Hari ng Telebisyon. Maraming naghangad kuhain ang titulong ito ngunit marami ang nabigo.

Upang matawag ang isang aktor bilang Hari ng Telebisyon ay dapat lang na sunod-sunod ang tagumpay ng kanyang palabas. Ito ay dapat tinatangkilik ng sambayan; mapa-bata, matanda, babae, lalake, mayaman o mahirap. Ang tao mismo ang magkokorona sa kanya bilang Primetime King.

At isang aktor lang ang titinghala at iniidolo ng sambayan ngayon. Si Coco Martin.

Bakit?

Unang-una, tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Mr. Martin, pagkatapos itong unang umere halos dalawang taon ng nakakalipas. Naitala ng Kantar Media sa unang araw nito ay nakakuha ito agad ng 41.1% ratings at simula noon hanggang ngayon ay patuloy ang taas ng ratings nito. Nakapagtala pa nga ang FPJ’s Ang Probinsyano ng 46.7% noong February 2. 2016 dahil sa matinding pangyayari sa naganap na episode.

At sa panahong ito, wala o iilan lang ang nakakakuha ng ganyang ratings o tumatagal ng lagpas isang taon. Noong nakaraang Abril ay inansyuno ng Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes, na extended ang FPJ’s Ang Probinsyano hanggang 2018.

Maraming palabas na ang sumubok kalabain ito ngunit wala pa ang nagtatagumpay. Marahil ito ay dahil sa talaga namang magandang istorya ng FPJ’s Ang Probinsyano. Maraming social issue, na kinakaharap ng bansa, ang natalakay nito tulad nalang ng paggamit at pagsugpo sa ilegal na droga, human at child trafficking, at rebelyon.

Lingid pa sa kaalaman ng maraming tao, na si Coco ay involved na involved sa bawa’t pangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyano. Maraming ideya sa palabas na mismong nanggaling sa kanya. Kumbaga, hindi lang siya bida nito kundi minsan ay siya ang direktor, writer, at stunt director.

Bukod pa diyan ay umani ng maraming papuri si Coco dahil sa pagbabalik niya ng aksyon dito sa Pilipinas. Matatandaan na sa pagsikat ng mga romantic-comedy na palabas ay biglang pagkalaos ng mga aksyon movies na nagpaligaya sa marami noong 80’s at 90’s. Malaki rin ang pasasalamat ng maraming artista sa kanya, lalo na ng mga batikang aktor at aktres, dahil binigyan sila ulit ng pagkakataon maipakita ang kanilang husay sa telebisyon. Tulad na lang nila Julio Diaz, John Regala, Art Acuna, Peter Llansangan, Mitch Valdez, at marami pa.

At hindi pa diyan nagtatapos dahil umani din ng iba’t-ibang awards at rekognisyon si Coco at FPJ’s Ang Probinsyano. Sa katunayan ay nakatanggap na si Coco ng 23 awards mula sa mga prestihiyosong award-giving bodies dahil sa galing niya sa pag-arte at sa pagiging magandang ehemplo sa mga kabataan.

Bukod pa sa mga award na natanggap niya sa FPJ’s Ang Probinsyano ay marami na rin siyang nakuha sa mga dating teleserye. Tulad na lang sa Tayong Dalawa, Kung Tayo’y Magkakalayo, Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggang, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang. Bukod pa diyan ay lahat ng teleserye na ito ay tunay na tinangkilik ng sambayanan.

Ngunit lahat ng tagumpay na ito ay hindi niya nakuha sa isang kisapmata.

Tulad ng marami ay pinaghirapan ni Coco lahat ng kanyang nakamit na tagumpay sa kanyang buhay dahil nagsimula siya sa wala. Sa una ay aktor siya sa mga indie films at dito pa lang ay ipinamalas niya ang kanyang galing sa pag-arte. At sa bawa’t maliit na proyektong ibinigay sa kanya ay ibinuhos niya ang lahat ng kanyang makakaya.

Talagang nakakamangmangha ang istorya ng buhay ni Coco. Mula siya sa simpleng buhay tulad ng marami at ngayon ay isa na siyang sikat na artista na hinahangaan ng marami. Sa huli, ay iyon naman ang importante: ang makapagbigay inspirasyon at kasiyahan sa mga tao.
Ito ang rason kung bakit si Coco ang Hari ng Telebisyon.

5 comments

  • Nora Untal

    he has a big heart to all his using it to inspire the young ones that if you work hard you get reward DOING right thing .on his status he don’t forget where he came from love for his family his devotion to the Lord that make him stronger help others especially children are closest to his heart that his been blessed and will continue his success😎 GOD BLESS ‘I ADMIRED YOU A LOT’💜💙❤

    Reply
  • Joann

    you’re truly blessed and God will continue to pour his blessings because you are so generous, kind, loving with a good heart. contiunue to be humble.

    Reply
  • Jhoana Afan

    Hello IDOL! Coco.. nag message po ako sa messenger mo. Sana po mabasa mo.. thank you.. More Power! And GOD BLESS!

    Reply
  • lailani ferrer

    You deserve where you are now. You are really an IDOL!

    Reply
  • Virginia Lucht

    Alam ng Diyos ang laman ng puso mo Idol kaya hindi ka nya pababayaan lagi ka nyang proprotektahan at kailan man d ka nya pababayaan ipagdarasal ko na ang lahat ng gagawin mo Sa buhay ay gabayan ka ng panginooong Jesus dahil cya ang tagapagligtas natin at sana patuloy kang makatulong Sa iyong kapwa at sana rin makita na kita Idol Ang layo mo kc nasa pinas ka at ako naman nasa Germany pag gusto kitang makita pag umuuwi ako pupunta ako Sa mga Show mo palagi akong natatabunan d naman ako masyadong makalapit kc matanda na ako pero okay lang basta lagi kang malakas IDOL GOD BLESS AND YOUR FAMILY

    Reply

Leave a comment