Malayo na ang narating ni Rodel Nacianceno o mas kilala bilang Coco Martin. Bukod sa paghahari sa telebisyon, isa siya sa top endorser sa Pilipinas, at ngayon isa ng direktor ng pinakamalaking action-adventure movie ng taon, Ang Panday.

Ngunit kahit tinatamasa ni Coco ang tagumpay sa buhay, hinding-hindi niya makakalimutan ang mga taong sumuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

And just like that, the year is about to come to a close. But before it bows out completely, we are throwing a party for everything that has been in the past 365 days. Whether it left you winded or riding an awesome swell of a wave, it sure was something, right? Speaking of having quite the year, Coco Martin proves why he is a legend in his own right. Striking harder than before, the actor, producer and now, director, shows us how a focused vision, tenacity and of course, talent, can take you far and wide. The MEGA Man December issue is now available on @flip100ph and Magzter. Download the FLIP100 app via the App Store or Google Play. Don’t forget to grab your print copy out on newsstands tomorrow, December 2. Photography Mark Nicdao Art Direction Jann Pascua Text Monique Buensalido Styling and Sittings Editor Angelo Ramirez de Cartagena Grooming Denise Ochoa Shoot Coordination Justine Nido #CocoMartin #CelebrateMEGA25

A post shared by MEGA Man (@megaman_magazine) on

Alam ng marami na galing sa simpleng pamumuhay si Coco at tulad ng maraming Filipino ay nagpursige upang suportahan ang pamilya. Sa katunayan, kung ano-anong marangal na trabaho ang kanyang pinasok tulad ng pagiging janitor, waiter, construction worker, at marami pa bago siya maging artista.

At matapos ang ilang taong pagpupusirge, siya na ngayon ang idolo ng masa. Naisipan niyang ito na ang tamang panahon upang ibuhos ang lahat ng kanyang makakaya upang magbigay pasasalamat. Maraming nagsasabing, Ang Panday ang regalong ito, ngunit marami palang hinanda si Coco para sa sambayanan.

Ang Panday Game App

Buwan ng Oktubre pa lang, may pamasko na si Coco para sa lahat, lalong-lalo na sa mga bata. Nais kasi niyang maranasan ng mga tao ang sayang ibibigay ng Ang Panday sa Pasko.

“Iyong new generation ang kilala na nila sina Thor. Meron din naman tayong superheroes na maipagmamalaki. Gusto ko makilala ng mga bata sino si Panday,” saad ni Coco noong October 28.

#AngPandayGameLaunch. @mr.cocomartin. #CocoMartin #HariNgPelikula #AngPanday #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Ang Pagbabalik ng Panday

Mas dama ang Pasko pag nagsimula ng tumugtog ang mga awiting Pamasko kaya naman naglabas ng iba’t – ibang kanta si Coco. Una na dito ang Ang Panday theme song na nilikha at kinanta nina Ebe Dancel at Gloc 9. Ngunit ginulat ni Coco ang marami nang maglabas siya ng cover ng Peksman kasama ang mga kilalang rappers na sina Bassilyo, Shernan, Zaito, Smugglaz, Jeffrey Tam kasama sina McCoy De Leon at Ronwaldo Martin. Mahigit 2 milyon na ang natuwa at na-LSS sa kanta.

Ngiti sa Bawa’t Pilipino

Tulad ng pagiging deboto niya sa Nazareno, naging tradisyon na ni Coco na pasayahin ang mga tao sa bawa’t sulok ng mundo. Noong mga nakaraang linggo ay binisita niya ang Legazpi, Cabanatuan, Rosales, Gensan, Davao, at Florence kung saan libo-libo ang napasaya niya kasama ang ilang cast ng Ang Panday at FPJ’s Ang Probinsyano. Ngunit hindi lang yan ang pamamaraan niya dahil sinusubukan niyang magbigay inspirasyon. Matapos niyang bisitahin ang mga senior citizens sa Grace’s Home for the Aged, mga mag-aaral ng Paradise Farms Elementary School, at mga sugatang sundalo sa AFP Medical Center, ang mga batang may karamdaman sa Philippine Children Medical Center ang pinangiti at pinasaya niya noong nakaraang buwan.

“Hindi naman magiging successful lahat ng ginagawa namin kung hindi dahil sa pagmamahal at suporta ng kababayan natin. Kaya sana sila naman ang mapasaya natin sa darating na Kapaskuhan,” saad ni Coco.

2 comments

  • kat

    just don’t forget to take care of yourself too.

    Reply
  • Nora untal

    Continue soaring up high we’re behind you inspiration to all of us.your big heart kindness,humble that amazed me at your status your feet still in the ground.your brilliant actor dedication to your work that makes you you great 👩‍🎨 artist you gave a lot of co-actors a second chance to shine again always think others to all in needs. Wish you the best may LORD continue to BLESS so you give happiness to all your viewers😁😃😃

    Reply

Leave a comment