Maraming batang may karamdaman ang napasaya ni Coco Martin at nila Bassilyo, Zaito, Shernan, at Jeffrey Tam nang bumisita sila sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City.

Ito ay para sa ABS-CBN Christmas Station ID Just Love at sa selebrasyon ng ikalawang taon ng undisputed number one show, FPJ’s Ang Probinsyano.

Isa si Van Ryan Navarez o VR na lubos ang pagkasiya sa pagbisita ng iniidolong aktor. Ang 14-year-old na binata ay may kondisyon na Osteogenesis Imperfecta o Brittle Bone na sanhi ng kanyang hindi paglaki.

Naghandog siya ng kanta bilang pasasalamat sa kaniyang idolo at sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano. Tulad ng marami, si VR ay gabi-gabing nanonood ng FPJ’s Ang Probinsyano at humahanga sa galing ni Cardo lumaban sa mga masasama.

Hindi inaasahan ni Coco ang ginawa ni VR at sobrang ikinasaya niya ito. Aniya, si VR at ang mga batang pasyente ng PCMC ang isa sa dahilan kung bakit lalo pa nilang pinapaganda ang FPJ’s Ang Probinsyano.

“Everytime na may ginagawa kami sa FPJ’s Ang Probinsyano, talagang masugid naming pinag-aaralan to. Unang-una kino-consider naming ang lahat ng mga viewers: Ang mga pamilya, mga magulang, lalong-lao na ang mga kabataan para makapagbigay kami ng magandang aral,” saad ni Coco.

Nagpasalamat si Dra. Trixy Chu sa pagbisita ni Coco dahil nagbigay siya natatanging inspirasyon sa mga bata na nakakatulong sa kanilang pinagdadaanan. Karamihan sa mga batang dumalo ay mayroong sakit na Leukemia.

December 2013 unang bumisita si Coco sa PCMC kung saan nagbigay siya ng matatamis na mga ngiti sa mga bata tulad ngayon.

Noong nakaraang taon, ang mga batang estudyante ng Paradise Farms Elementary School ang pinasaya ni Coco. Nag-abot siya ng mga school supplies at nagbigay ng mabuting mensahe, kung saan hinimok niya silang mag-aral ng mabuti.

Panoorin ang ABS-CBN Christmas Station ID:

Leave a comment