coco-martin-wish-another-teleserye

NATAPOS na ang teleseryengIkaw Lamang ni Coco Martin nung Biyernes (Oct. 24) pero mukhang hindi matutuloy ang plano niyang pagbabakasyon na birthday gift sana niya sa sarili dahil diretso naman siya sa shooting ng Feng Shui 2 na entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival sa December.

Sa Ikaw Lamang, partner ni Coco sina KC Concepcion at Kim Chiu. Sa Feng Shui 2naman, first time niyang makakatrabaho sa pelikula si Kris Aquino at Direk Chito Rono.

“Honestly, gusto ko sanang pumunta sa Boracay, Batanes, Sagada saka sa Palawan. Pero kailangang magtrabaho, eh,”pahayag niya sa amin.

Pamilya lang daw if ever ang isasama niya sa bakasyon. No special someone.

“Wala pa ngayon, eh. Raket muna ang hinahanap ko, eh. Kasi, darating naman po ‘yun, eh. Kasi sabi ko nga, nanggaling na ako sa mahabang-mahabang relasyon at ilang beses na relasyon. Kumbaga, ayokong sayangin ang pagkakataong ito at kung anong blessing na mayroon ako ngayon,” katwiran pa niya.

Sa Nov. 1 ang birthday ni Coco at first time niyang magkakaroon ng malaking selebrasyon dahil magsi-celebrate din siya ng 10th year anniversary sa showbiz.

“Ang tagal ko na rin pala sa showbiz. Ha-ha-ha! Ang tanda ko na rin pala,” natatawa niyang pahayag. “Biruin nyo, tumagal ako ng 10 taon,” hirit pa niya.

Hindi talaga nagpa-party si Coco tuwing birthday niya, pero dahil nga anniversary niya sa showbiz kaya pumayag na rin siya.

“Sa totoo lang, ayoko sanang mag-celebrate, kasi hindi ako sanay, eh. Kung magkaroon man, family lang. Ang may gusto talaga, ‘yung manager ko, si Mother Bibs (Biboy Arboleda), sabi niya, ‘kahit paano, mag-celebrate ka naman, magpasalamat ka man lang, i-enjoy mo ‘yung 10 years mo kahit papano, ‘yung lahat ng pinaghirapan mo.’”

Pagkatapos ng Ikaw Lamang, wish ulit ni Coco na makagawa ng panibagong soap opera sa ABS-CBN.

Happy birthday Coco from all of us here in Push.com.ph.

Source:
Coco Martin’s wish for his birthday is another teleserye
by: Leo Bukas
Posted on 10/25/2014http://push.abs-cbn.com/features/19508/coco-martins-wish-for-his-birthday-is-another-teleserye/

17 comments

  • arlene eximane

    Sana sa susunod mo na teleserye kasama mo sana c Julia montes!

    Pero sana pareho kayong mayaman…wag namn puro herap at puro pagdurusa! Para di nakakasawang panoorin…pareho kayong palaban!hiihihi…

    Nga pla Happy Birthday may love idol!
    Solid cocojul po ako!

    More projects to come and Good health…
    God Bless!

    Reply
  • kleena

    Happy birthday my labs

    Reply
  • Nodelyn

    Hello, coco sana nga may kasunod ka kaagad na teleserye… so exciteed na ako.. gusto kita lage nakikita sa tv….

    Reply
  • grace carreon

    happy birthday !

    Reply
  • Ethel

    Happy Birthday Coco! May God shower you more blessings and good health. Stay humble always..

    Another teleserye for you with Kim Chiu and of course a movie together.

    Solid CoKim ako..

    Reply
  • mae

    sana magkaroon kau ulit ng teleserye ni julia montes dhil mrmi kming ngmamahal s inyo, sana mbgyan kau ulit ng project n mgkasama kayong dalwa ung preho kaung myaman.

    Reply
  • cocojul abroad

    Super Miss na namin kayo ni Julia Montes to see together in one serye! Sana ibalik na kayo… we will never lose hope and what ever the plan for you next year wether its with Julia or not, we will still support you, Unconditionally…

    Reply
  • merz

    Kong meron k new teleserye sana c kim Chiu ang k love team mo Coco Martin. Cokim forever

    Reply
  • keith

    Sana Cocojam ulit, its been long time narin 🙂 namiss kona kulitan niyo ni maja or maybe someday si angel locsin 🙂 happy birthday coco i love you :*

    Reply
  • marcelle

    happy happy birthday coco from toronto, canada! all the best for your career and health. visit us here soon!

    Reply
  • Tricia De Leon

    Sana next na makatrabaho mo si Angel Locsin.

    Reply
  • Mae

    sana meron n agad teleserye..lab u deng

    Reply
  • merz

    Hi Coco Martin.. I wish that you have another teleserye with kim Chiu in abs-cbn and also movie with Kim Chiu. Happy birthday to you.
    # Cokim forever

    Reply
  • sana ang kasama mo c julia montes, sana naman ang role mo ay ikw ay isang anak na mayaman, ung hindi pasakit, miss ko na ang cute mong face, happy natal day, and more blessing to come, GOD BLEES... LOV U IDOL.........

    Happy natal day….. GOD BLESS, lov u idol……..

    Reply
  • Yvonne Tusalem

    HI COCO! A BELATED HAPPY THANKSGIVING TO YOU MR. COCO MARTIN! I HOPE, TO SEE YOU AND MISS JULIA MONTES HAVE A LOCATION SHOOTING HERE IN GRAND CANYON IN ARIZONA. GOD BLESS AND TAKE GOOD CARE OF YOU AND JULIA WHEREVER YOU BOTH ARE IN HIS LOVING CARE. REGARDS! Yvonne

    Reply
  • marilou aguilar

    sana coco d ka magbabago ipakita sa lahat na totoo ka at dapat din ipakta sa lahat ngng mga tao ang tunay mong ugali ha

    Reply
  • marilou aguilar

    coco idol kita magpkabait ka sa lahat ng funds

    Reply

Leave a comment