Tinutukan ng sambayanan kagabi ang hinagpis ni Cardo nang mamatay si Lena, ang karakter ni Yam Concepcion, matapos sugurin ng SAF ang kampo ng Pulang Araw. Nakapagtala ang episode ng 42% national ratings at 47.3% rural ratings, ayon sa Kantar Media National TV Ratings.

Habang nasa FPJ’s Ang Probinsyano ang aktres, marami siyang natutunan mula kay Coco na nakapagbigay ng positibong epekto sa kanyang trabaho.

“Totoong tao si Coco. Hindi siya madamot, shinashare niya yung knowledge niya. Yun yung na-appreciate ko sa kanya,” saad ni Yam sa isang eksklusibong pahayag.

Dagdag pa diyan, nakaka-inspire raw makatrabaho ang aktor. Aniya, positibo ang energy at lagi nitong pinapalakas ang loob nila.

“Inspiring to work with him. Nakaka-hawa yung energy niya kasi napaka-positive. Parati niya saking sinasabi, ang trabaho kailangan ina-appreciate. You have to give your 101%”

Hanga rin si Yam sa pagiging mapagkumbaba ni Coco sa kabila ng mga tagumpay na nakamit sa buhay. Maalang lumaki sa simpleng pamumuhay ang aktor at unang nanggaling sa industriya ng Independent Movies.

“Despite his success, nadoon pa rin yung pagka-humble niya, alam niya kung saan siya galing.”

Samantala, namatay rin si Lawin na ginagampanan ng batikan na aktor na si Dante Rivero. Tulad ni Yam, hanga ito sa pagiging mapagkumbaba ni Coco. Una silang nagkatrabaho sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Leave a comment