Hindi lang fantasy, action, at comedy ang mapapanood sa Ang Panday, siyempre meron din romance na siguradong magpapakilig sa marami. Ika-nga, kumpleto rekados ang pelikulang ito kaya naman tunay itong para sa pamilyang Pilipino.

Sa Ang Panday, papatibukin ni Binibining Pilipinas International Mariel De Leon o “Maria” ang puso ni Flavio, na gagampanan ni Coco Martin. Marami na ang kinilig sa tambalan ni Coco at Mariel dahil sa nakita nilang photos and videos na magkasama ang dalawa.

#AngPanday shoot. @mr.cocomartin @mariaangelicadl #HariNgPelikula #CocoMartin #CCMFilms #B617 #CocoMartinPH

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Ngunit hindi lang sila ang magpapakilig ngayong Pasko. Nariyan din ang hottest young couple na sina Elisse Joson at McCoy De Leon. Kasalukuyan rin silang napapanood sa the Good Son gabi-gabi sa Kapamilya network.

Kamakailan ay nakausap ng team CMPH si Elisse at agad na tinanong kung magpapakilig ba sila ni McCoy sa Ang Panday.

“Sana po (may kiligin),” saad ng dalaga.

Samantala, thankful ang dalawa kay direk Coco na naging parte sila ng Ang Panday. Hanga rin sila sa dedikasyon at sa galing ni Coco sa pag-direk, pag-arte, at pag-alaga sa mga crew sa Ang Panday.

1 comment

  • teresita rico

    Thank you mr coco martin sa twala at love mo sa aming mahal na mahal na MCLISSE mula pa sa Ang Probinsyano kinupkop mo na sila ,sana after ng Ang Panday wag mo sila pababayaan,klangan ka nila ngayong mga panahon na ito at sa mga susunod pa,thank you again,GOD BLESS you po.

    Reply

Leave a comment