Maraming bagay ang dapat abangan sa bersyon ng Ang Panday ni Direk Coco Martin. Bukod sa modernong istorya nito ay magiging matindi ang aksyon, lalong lalo na ang fight scene nila Flavio at Lizardo, na gagampanan nina Coco at Jake Cuenca.

Kwento ni Jake sa team CMPH, komplikado ang fight scenes dahil sa quality na gusto nilang maabot ni Coco. Sa katunayan ay inabot ng dalawang araw ang pag-shoshoot nito.

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

“Intense fight scenes, hindi ganoon kadali. Pinaghirapan namin ang fights scenes,” saad ni Jake.

Dalawa ang iniisip ni Coco dahil siya rin ang bida ng palabas nito. Pagkatapos ng kada-take ay hustong sinusuri niya bawa’t anggulo.

Dagdag pa nito, top-notch ang acting ni Coco at Jake. Base sa mga shooting, wala ng masasabi sa acting na binigay ng Hari Ng Pelikula dahil binigay niya na lahat ng mabibigay niya sa role na ito. Madadama talaga ang puso na inilaan ni Coco.

😊😊😊

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Samantala, wala rin masabi ang creatives ng Ang Panday sa performance ni Jake. Masasabing “Jake is Lizardo and Lizardo is Jake.” Masaya ang aktor na binigay sa kanya ang ganitong role dahil matagal na daw siyang naghihintay ang ganitong oportunidad.

“Pag pinanood ng tao to, makikita nilang ‘wow ibang experience to,’” dagdag pa ni Jake.

Leave a comment