Parang kailan lang ng una nating nakita si Cardo Dalisay (Coco Martin) at ang kanyang pamilya ngunit ngayong araw na ang ikalawang taon ng matagumpay na pamamayagpag ng number one show nationwide, FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa nakalipas na dalawang taon, sama-sama nating sinubaybayan ang buhay ni Cardo. Nagsimula ito sa pagiging miyembro niya ng Special Armed Forces (SAF) hanggang maging pulis na siya dahil kinailangan niyang magpanggap upang malaman kung bakit namatay ang kanyang kambal na si Ador.

Habang siya ay pulis, kabi-kabilang kaso ang hinarap at nilutas niya kasama ang mga kapatid niya sa kapulisan. Ilan lang sa napapanahong isyu na tinalakay ng FPJ’s Ang Probinsyano ay kidnapping, human trafficking, cybercrime, animal cruelty, bombing, rebellion, at ilegal na droga.

Ang ilegal na droga ang masasabing talaga namang tumatak sa puso’t isipan ng bawa’t Pilipino. Sa Ang Probinsyano, ang pamilya ni Don Emilio (Eddie Garcia) ang naging utak ng sindikato ng droga. Kasama niya ang kanyang manugang na si Tomas Tuazon (Albert Martinez) at apo na si Joaquin Tuazon (Arjo Atayde).

Sa bawa’t kasong hinarap ni Cardo, unti-unti niyang natuklasan ang mga taong may kagagawan ng pagkalat ng ilegal na droga. Ngunit hindi naging madali ang paghanap niya ng hustisya. Laging nalalagay ang buhay ni Cardo sa panganib at sa kasamaang palad ay nakulong pa siya dahil fri-name-up siya ni Joaquin bilang isang drug pusher.

Napilitan si Cardo na tanggapin ang kanyang kapalarang makulong. Habang nasa kulungan si Cardo ay dito niya hinarap ang isa sa malaki niyang kalaban na si Tomas. Sa mabuting palad ay nagwagi ang mabuting pulis ngunit mas lalong lumaki ang muhi sa kanya ni Joaquin ng mamatay ang kanyang ama.

Dahil alam niyang siya ay nasa tama ay tumakas siya upang linisin ang kanyang pangalan. Namuhay si Cardo bilang pugante at kahit sandali ay naging tahimik ang kanyang buhay sa Cebu ngunit pilit siyang inilalapit sa panganib ng tadhana. Nang namasukan siyang driver ni Romano “Chairman” Rencio (Ronnie Lazaro), napagalaman niyang ito pala ay ang pinakamakapangyarihan na drug lord ng sa Cebu.

Nagtandem pa nga si Joaquin at Romano upang patayin si Cardo at ang kanyang pamilya ngunit buti na lang ay hindi sila nagwagi. Tinapos pa nga ni Cardo ang buhay ni Romano habang si Joaquin ay nakatakas. Sa kasamaang palad ay may mga inosenteng buhay na naapektuhan sa laban, gaya ng kay Paquito. Naospital ang bata dahil natamaan siya ng bala at dahil dito ay pinangako ni Cardo sa Diyos na siya ay susuko kung mabubuhay si Paquito. Natupad ang kanyang panalangin at nabuhay si Paquito kaya agad siyang sumuko sa kinauukulan.

Patuloy ang naging pagsubok kay Cardo sa loob ng kulungan ngunit hindi siya nawalan ng pag-asang malilinis ang pangalan niya. Samantala, ang gulong ng palad ay hindi pumanig kay Don Emilio at nakulong siya dahil napatunayan na siya ang pumatay sa ama ni Cardo. Nagkita ang dalawang magkalaban sa loob ng preso at sinubukan pahirapan ni Don Emilio si Cardo ngunit hindi siya nagpatinag at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang maka-survive. Sa mabuting palad ay napatunayan na hindi siya masamang tao matapos umamin ang isa sa kasabwat ni Joaquin na si Colonel Roy Carreon na inosente si Cardo.

Muling nakalaya si Cardo at malinis na rin ang pangalan niya. Bumalik siya sa pwersa ng kapulisan at pinagpatuloy ang pagtugis sa sindikato ni Joaquin. Naging matagumpay si Cardo sa mga misyon niya at talagang humina ang kapangyarihan ni Joaquin. Sa isang misyon, kung saan sinubukang pigilin ni Cardo ang child trafficking na pinamunuan ni Joaquin, ay aksidenteng pinatay ni Joaquin ang sariling ina niyang si Verna (Agot Isidro). Nakatakas si Joaquin ngunit ang pagpatay niya sa kanyang ina ay tinulak siya sa kabaliwan.

Akala ni Cardo ay matatahimik na ang buhay niya kaya naman siya ay umalis na sa kapulisan. Ngunit hindi nakalimot si Joaquin. Ang araw ng kasal ni Cardo kay Alyanna Arevalo (Yassi Pressman), na dapat ay masaya, ay nabalot ng kadiliman. Hindi man nagtagumpay si Joaquin sa pagbomba sa wedding reception ay nagawa niyang kidnappin’ si Alyanna.
Hinabol sila ni Cardo ngunit ito ay naaksidente matapos ng tapatan nila ni Joaquin. Sugatan man ito ay pinilit niyang puntahan ang lugar kung saan dinala ang kanyang asawa, ang lugar kung saan pinatay si Ador.

Habang wala pa si Cardo ay sinubukang pagtangkaan ni Joaquin si Alyanna dahil baliw na nga ito at kating-kati na maghiganti. Hindi nagpatinag ang journalist at nilaban niya si Joaquin at tinakasan ito. Buti na lang ay dumating na si Cardo ngunit siya ay sugatan at mahina na. Sa paglalabang ng matinding magkaribal ay mukhang dehado si Cardo ngunit sa wakas, matapos ang napakahabang paglalaban, ay natalo niya ito.

Happy Tuesday mga Kapamilya, mga Ka-Probinsyano at mga Ka-Panday! Sa pagdiriwang ng Ikalawang taon ng Undisputed Number 1 Program Nationwide, FPJ's Ang Probinsyano. Balikan natin ang ilan sa mga hindi malilimutang tagpo sa FPJ's Ang Probinsyano. Maging updated tungkol sa Hari ng Telebisyon at Hari ng Pelikula, Coco Martin.Panoorin ang Anniversary Special Part 1 sa #CMPHUpdate hosted by E-Jay Talolong sa facebook.com/officialcocomartinph#CocoMartinPH #CocoMartin #HariNgTelebisyon #FPJsAngProbinsyano #HariNgPelikula #AngPanday #B617

Posted by Coco Martin PH on Tuesday, September 26, 2017

Aksyon

Bukod sa mga napapanahon na isyung tinalakay ng FPJ’s Ang Probinsyano, lahat tayo ay namangha sa mga fight scenes na sa programang ito lang natin makikita. Sino bang makakalimot sa labanan ng grupo ni Cardo laban kay Romano at Joaquin o sa paglitas niya kay Carmen?
Hindi rin malilimutan ang labanan ni Cardo at Hector (Cesar Montano) sa rooftop na talaga naman nagpahiyaw sa maraming maybahay. Tumatak din naman ang labanang Cardo at Eric (Paulo Avelino), dahil ito ay nakakatakot talaga.

Karamihan sa manonood ng FPJ’s Ang Probinsyano, lalong lalo na ang mga kalakakihan, ay bilib na bilib sa mga astig na labanan. Dito nila mas lalong naging idol si Cardo o si Coco.

Happy Wednesday mga Kapamilya, mga Ka-Probinsyano at mga Ka-Panday! Sa pagdiriwang ng Ikalawang taon ng Undisputed Number 1 Program Nationwide, FPJ's Ang Probinsyano. Balikan natin ang ilan sa mga hindi malilimutang tagpo sa FPJ's Ang Probinsyano. Maging updated tungkol sa Hari ng Telebisyon at Hari ng Pelikula, Coco Martin. Panoorin ang Anniversary Special Part 1 sa #CMPHUpdate hosted by E-Jay Talolong.#CocoMartinPH #CocoMartin #HariNgTelebisyon #FPJsAngProbinsyano #HariNgPelikula #AngPanday #B617

Posted by Coco Martin PH on Wednesday, September 27, 2017

Pamilya

Kabikabila man ang laban at problema ni Cardo ay mayroon siyang pamilyang maasahan. Unang-una na diyaang ang kanyang Lola Flora (Susan Roces) na mahal na mahal siya. Kahit unang inakala ni Cardo na di siya mahal ng kanyang Lola dahil hindi siya naalagaan nito noong bata siya dahil sa kahirapan ay nagkaayos din sila at bumawi naman si Lola Flora sa mga nasayang na oras na hindi sila magkasama. Nadiyaan din ang Lolo ni Cardo na si General Delfin (Jaime Fabregas), na laging naasahan ni Cardo sa mga misyon niya.

Bukod sa mga kadugo ni Cardo ay mayroon din siyang adoptive family, tulad na lang nila Elmo (Marvin Yap), Yolli (Malou Crisologo), Paco (Long Mejia), Wally (PJ Endrinal) at ng mga bata. Tulad ni Cardo minahal ng sambayan ang mga cute na bata na sina Dhang, Paquito, Ligaya, at Awra. Sino ba naman ang hindi mapapamahal sa mga mababait at medyo pilyong alaga nila Lola Flora?

Hindi rin natin makakalimutan si Benny (Pepe Herrera) na unang naging sidekick ni Cardo at si Onyok na talagang minahal ng sambayanan.

Pag-Ibig

Siyempre hindi lang pamilya ang nagmamahal kay Cardo, maraming puso rin ang papatibok ni Cardo. Unang-una na diyan ang kanyang kababata na si SPO1 Glenda “Glenda” Corpuz (Maja Salvador) na may malaking crush kay Cardo. Maraming naging misyon ang dalawa at naging magandang tandem, pinagselosan pa nga ni SPO3 Jerome Girona (John Prats) si Cardo dahil maging siya ay may pakiramdam para kay Glen. Sa huli ay hindi natuloy ang GlenCar dahil kinailangan bumalik ni Glen sa Botolan at doon na lang siya nagserbisyo.
Kasabay ng pagtitinginan ni Cardo at Glen, na diyaan din si Carmen (Bela Padilla). Una ay inakala niya na si Cardo ay ang kanyang asawa dahil nagpanggap ito. At kahit nalaman na niya ang katotohan na hindi si Cardo ang asawa niya ay patuloy pa rin ang pagtibok ng puso niya para kay Cardo. At ng malagay sa panganib ang buhay ni Carmen ay talaga naman ginawa ni Cardo lahat ng kanyang makakaya upang mailigtas ito. Sa kasamaang palad ay namatay si Carmen dahil kay Tomas.
Marami pang dumaan na babae sa buhay ni Cardo tulad na lang ni Trina (Anne Curtis), Isabel (Sam Pinto), Amanda (Vickie Rushton), at Lena (Yam Concepcion), ngunit iisa lang ang babaeng tunay na nagpatibok din sa puso ni Cardo. Wala ng iba kundi si Alyanna Arevalo-Dalisay.

Happy Monday mga Kapamilya, mga Ka-Probinsyano at mga Ka-Panday! Maging updated tungkol sa Hari ng Telebisyon at Hari ng Pelikula, Coco Martin. Panoorin ang Anniversary Special Part 1 sa #CMPHUpdate hosted by E-Jay Talolong. #CocoMartinPH #CocoMartin #HariNgTelebisyon #FPJsAngProbinsyano #HariNgPelikula #AngPanday #B617

Posted by Coco Martin PH on Monday, September 25, 2017

FPJ’s Ang Probinsyano Legacy

At sa dalawang taon na magkakasama tayong lahat, ay sama-sama din tayong nanalo ng pangaral. Mahigit 60 awards na ang nakamit natin mula sa naglalakihang award-giving bodies. Ilan lang dito ang Most Popular TV Program Primetime Drama (FPJ’s Ang Probinsyano) at Breakthrough Performance by an Actor in a Single Program (Coco Martin). Dahil sa mga parangal na ito ay lalo pang pinagsisikapan ng Pamilya ng FPJ’s Ang Probinsyano pagandahin ang inyong mga gabi.
Isa sa paraan na naisipan nila upang pagandahin ang inyong gabi ay ang Ligtas Tips na talaga namang nakakatulong sa maraming tao dahil sa mga makakabuluhang turo nito upang makaiwas tayo sa gulo at disgrasya.
Siguro ang pinakamagandang nabibigay ng FPJ’s Ang Probinsyano bukod sa saya at Ligtas Tips ay ang aral nito na nakapagimpluwensiya sa ating henerasyon. Hindi nakalimutan turuan ng FPJ’s Ang Probinsyano tayong lahat na maging mabuti, maka-Diyos, at marami pa.

Tunay na marami na tayong pinagsamahan at marami pa tayong aabangan kaya hanggang sa mga darating na buwan ay sana patuloy pa rin ang ating pagsunod sa buhay ni Cardo sa the number one show in the Philippines FPJ’s Ang Probinsyano

Leave a comment