Malaki ang pasasalamat ng veteran actor na si Julio Diaz sa Hari ng Pelikula dahil bukod sa pagiging parte ng FPJ’s Ang Probinsyano ay mapapanood na rin siya ng pamilyang Pilipino sa Ang Panday.

Si Julio ay gaganap bilang mapagbigay na tito ni Flavio. Sa Ang Panday 2017, ibang klaseng Flavio ang mapapanood dahil siya ay medyo bad boy ngunit tagapagtanggol ng mahihirap. Kaya naman nariyan ang kanyang tito upang tumulong at sumuporta kapag nalalagay siya sa gulo.

Noong nakaraang shooting ng Ang Panday, nakausap ng Team Coco Martin PH si Julio. Naluha ito ng maalala niya ang mga tulong na natanggap niya dahil nailigtas nito ang kanyang buhay.

Noong nakaraang taon ay sinugod si Julio sa ospital dahil sa brain aneurysm. Nakakuha siya ng tulong sa mga artista tulad na lang nina Cherry Pie Picache, Edi Estrella, Jaclyn Jose, Dante Mendoza at Coco Martin.

Si Julio at Coco ay dati ng nagkatrabaho sa mga indie movies na Serbis at Kinatay.

Ayon kay Julio, masaya daw at “looking forward” ang mga artistang nabanggit sa Ang Panday.

Leave a comment