Bumalik na si Flavio at sa Trinoma mall unang nasilip ang mundo ng modernong Panday. Sa pambihirang pagkakataon, nagkaroon ng maagang special screening sa grand media launch ngayong araw ang pinaka-malaking action-adventure movie ng taon, Ang Panday.

Isa-isang naglakad sa red carpet ang ilan sa mahigit 100 cast members ng pelikula na sina Awra, Ligaya, Paquito, Heart, Bingo, Onyok, John Medina, Lester Llansang, Benj Manalo, Marc Solis, Michael Roy Jornales, Ronwaldo Martin, PJ Endrinal, Bassilyo, Jeffrey Tam, Phoebe Walker, Elisse Josson, McCoy De Leon, Kylie Verzosa, Mariel De Leon, Carmi Martin, Jake Cuenca, Albert Martinez, Mark Lapid, Lito Lapid, Eddie Garcia, at ang Hari ng Telebisyon at Phenomenal Box-Office star Coco Martin.

Ngunit hindi diyan natapos ang pagdating ng mga naglalakihang bituin dahil nagbigay din ng suporta ang mga kaibigan at mga taong malalapit sa puso ni Coco tulad na lang nina Yam Concepcion, Louise Delos Reyes, Joko Diaz, Arlene Tolibas, Sancho Vito, Angeline Quinto, Angel Aquino, John Arcilla, at Ms. Susan Roces.

Nagpasalamat si Coco sa press at sa lahat ng dumating dahil sa mainit na suporta nila sa Ang Panday na pinaghirapan niyang gawin ng halos isang taon. Hangad ng aktor at direktor na ipa “experience” ang pelikula bilang maagang pasasalamat sa kanila.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nadito ngayon at sa lahat ng press at sa lahat ng katrabaho ko sa FPJ’s Ang Probinsyano. Thank you so much po sa lahat suporta,” saad niya.

Matapos ang special screening ay nagkaroon ng masayang salo-salo ang cast, bilang maagang pagdiriwang ng Pasko, kasama ang press kung saan nagpahayag sila ng papuri sa husay ni Coco sa pagbuo ng natatanging bersyon ng Ang Panday.

“Grabe pang international. Ang effects ang bongga-bongga. Tapos samahan mo pa ng the one and only Coco Martin na napakaganda ng acting,” saad ni DJ Eva Ronda.

Ani naman ng showbiz writer na si Alex Villano, “Surprisingly natuwa ako, it’s perfect for the kids. It’s a different Ang Panday. I think Coco did very well in his very first movie.”

Maging ang cast at crew ay humanga sa naipamalas ng Ang Panday sa kanila.

“Ngayon na napanood na namin ang kabuuan, ang sarap sa feeling,” nakangiting sabi ni Elisse Joson.

“Nakaka-amaze yung effects at action scenes, sobrang galing,” dagdag pa niya.

“Ngayon pa lang, nagpapasalamat na kami sa inyo! 🇵🇭🌍 #AngPanday !” @elissejosonn at the #PandayExperience

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Kwento naman ng production designer na si Nancy Arcega, proud siya na maging parte ng pelikula at tila ba nawala lahat ng pagod ng mapanood niya na ito.

Sa pagbabalik pelikula ng hit comics series ni Carlo J. Caparas, iniba at minoderno ni Coco ang epikong istorya ni Flavio ngunit humugot pa rin ito ng inspirasyon sa classic na Ang Panday ni Fernando Poe, Jr.

Kabilang ang Ang Panday sa Metro Manila Film Festival entries at ipapalabas ito sa darating na Kapaskuhan.

Leave a comment