kris-aquino-coco-martin-pep

Matapos ang 10 taon ng paghihintay ay mapapanuod na ang karugtong ng Feng Shui na pinagbidahan ni Kris Aquino noong 2004.

Makakasama ni Kris Aquino dito sa bagong Feng Shui si Coco Martin na gagawa ng kanyang kauna-unahang horror movie. Sa story conference ng Feng Shui kamakailan na ginanap sa conference room ng Star Cinema office, nakapanayam ng media sina Kris Aquino at Coco Martin tungkol sa kanilang upcoming Metro Manila Film Fest entry.

Bakit hindi po tatawagin na Feng Shui 2 kundi Feng Shui ang movie na ito?

Kris: “Ayaw ni Direk Chito dahil ang sinabi niya, ayaw niyang gumawa ng sequel, ang gusto niya ay continuation ng story nung unang Feng Shui.”

Pero Kris, ikaw ba ang may idea na magkaroon muli ng Feng Shui?

Kris: “Actually si Coco, Juan Dela Cruz presscon yun, di ba? Nabanggit niya dun na gusto niyang mag horror. At nagustuhan niya yung Feng  Shui. Nabasa ko yun, sabi ko, ‘Oh My God!’

“Sinabihan ko agad si Biboy [Arboleda] at si Deo [Endrinal] na ‘Let’s do it.’ Noong pinag-uusapan yun last year, last quarter. Sabi ko, perfect timing kasi magiging 10 years na.

“Atribida ako tinext ko si Direk Chito, ‘Are you interested to do the Feng Shiu 2?’ Sabi ni Direk Chito, ‘Of course!’ kasi gustong gusto niyang makatrabaho si Coco.”

Sino-sino yung makakasama na bagong cast members dito sa continuation ng Feng Shui?

“Si Cherry Pie Picache at Jonee Gamboa lang ang mga dating cast members na kasali. Pero the rest bago na tulad nina Carmi Martin, Joem Bascon, Martin Escudero, Ian Veneracion, etc. “

Dream project mo ba ito Coco? Saka anong pakiramdam mo na part ka ng continuation ng Feng Shui?

“Oo naman! Actually kinakabahan ako. Sabi ko nga pangarap kong makagawa ng horror, tapos kung gagawa rin lang ako ng horror gusto kong makasama si Ate Kris.”

Saang part ka kinakabahan?

Coco: “Lahat! Kasi forte ni Ate Kris ‘to, e. At si Direk Chito, nae-excite ako na makatrabaho siya. Balita ko kasi medyo mahigpit siya at masungit.”

Biglang nagsalita si Kris upang ipagtanggol si Direk Chito.

Kris: “Hindi siya masungit. I’ll defend him. He loves you [referring to Coco] kasi sobrang professional ni Direk Chito. Ang rules lang niya, bawal ang cellphone sa set, where you’re on the set dapat naka focus ka na ng 100%. Bawal ang maingay. So, hirap na hirap ako dun sa bawal ang maingay, tapos bawal magdala ng ibang trabaho, kasi daw dapat galangin mo na kung ano yung karakter mo, dadalhin mo. So, ganun namansi Coco eh, so parang tailor made for him talaga yung characterization.”

Coco, ano yung magiging role mo rito sa continuation ng Feng Shui?

Coco: “Ako rito si Lester na naghahanap ng maganda ng oportunidad sa buhay, papasukin at gagawin ang lahat para makaahon sa buhay. Dumating yung pagkakataon na na-encounter ko yung bagwa na makakapagbigay sa ‘kin ng swerte.”

Kris: “Ako yung magbigaykay Lester ng warning na may kapalit ‘yan. Hanggang dun na lang. Lahat ng swerteng ‘yan ay may kapalit. At doon ay mararanasan n’ya ang lahat ng naranasan ko din.”

Kanina binanggit ni Direk Chito na noong unang ginagawa n ’yo ang Feng Shui parang walang naniniwala sa inyo na magiging box-office hit ito and you made it. Ngayon ba may pressure na maging box-office hit itong bagong Feng Shui?

Kris: “I don’t feel pressure, kasi sobra yung kumpiyansa ko kay Direk Chito, sobra yung kumpiyansa ko dun sa brand. Saka yung script kasi sobra silang pinagaganda kasi excited silang lahat dito sa continuation. Nakaka-excite din lahat ng mga death scenes, kasi yun naman yung inaabangan natin. I’m sorry, I know it’s Christmas, pero maiba naman. Ang bobongga ng death scenes dito sa bagong Feng Shui. Remember yung unang Feng Shui, yung death scene sa Red Horse? Mayroon pang  nakakabog dun, kasi na excite ako.

“Isa pa, ang horror kasi needs to appeal to the male audience at yun yung dadalhin ni Coco Martin. Yung pinagdadaanan din ng mga kalalakihan. Kasi, di ba, sanay tayo sa mgababaeng tumitili. Pero ano ba ang mangyayari kapag yung lalaki na tinatakot?”

Kris, para sa kaalaman lang ng mga manunuod, mayroon po ba kayong love story ni Coco dito?

“Wala! Kasi may iba siyang girlfriend dito. At may boyfriend din ako dito. Wow!”

Kris, alam naman nating star-studded ang mga entries ng Metro Manila Film Festival this year. Ano ang hope mo sa Feng Shui this year? Pang ilan siya sa box office?

“Number 2. Siyempre si Bimby ang number 1 kasi kasali siya sa Praybeyt Benjamin 2! (sabay tawa) Magpakatotoo tayo.”

Okay lang as a yo Coco na number 2 lang kayo?

Coco: “Oo naman!”

Wala na siyang nasabi kundi, oo lang, di ba?

Biro ni Kris, “Baka awayin siya ni Vice, e.”

Paano yung float Kris, saan ka sasakay? Sasamahan mo ba si Bimby sa float ng Praybeyt Benjamin 2 or hihiwalay kang float para sa Feng Shui?

“Kaya nga I was telling them, Star Cinema should make a grand float na pagsamahin na lang kaming dalawang Praybeyt Benjamin 2, kasi hindi ko naman alam kung paano hahatiin ang sarili ko, sa pagiging stage mother of the century.”

Source:

Kris Aquino, Coco Martin: no romantic angle with each other in Feng Shui 2014
by Allan Sancon
Posted on August 18, 2014
Photo by: Allan Sancon

http://www.pep.ph/guide/movies/14312/kris-aquino-coco-martin-no-romantic-angle-with-each-other-in-feng-shui-2014

1 comment

  • Yvonne Tusalem

    A BLESSED HAPPY 33rd BIRTHDAY TO YOU COCO! MAY ALL YOUR DREAM COMES TRUE ESPECIALLY YOUR LOVELIFE. STAYS SAFE AS ALWAYS. BEST REGARDS!

    Reply

Leave a comment