Nauna ng naipahayag na ang pelikulang Ang Panday na pinagbibidahan ni Coco Martin ay kinabibilangan ng mga naglalakihan at mga batikang artista ng industriya. Ngunit bukod pa riyan ay makakasama din ang mga kinagigiliwan nating beauty queens.

Si Ms. International 2016 Kylie Verzosa ay kabilang sa nasabing proyekto, kasama ni Bb. Pilipinas Ms. International 2017 Mariel de Leon, at ito ang kauna-unahan nilang appearance at pag-arte sa big screen bilang mga leading ladies ni Coco.

Literally, just woke up. Sincerely, Your walking paradox. Make-up: @jigsmayuga Styled by: @sidney_yap

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on

Unang pagsasama pa lamang ni Kylie at ni Coco ay humanga na ang beauty queen sa nasabing aktor dahil sa galing nitong mag-direk sa Ang Panday.

Aniya, matagal at hindi raw madali ang transition sa pagiging direktor mula sa pagiging aktor ngunit napaghusayan daw ito ni Coco.

“Coco is amazing. He knew what he wanted right away and what to tell you. It’s difficult to transform from actor to director. Coco ang galing niyo po,” saad ni Kylie sa isang eksklusibong pahayag.

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Isa raw karangalan mapabilang sa engrandeng produksyon ng Ang Panday at ma-idirehe ni Coco sa unang pagkakataon.

“I’m so happy, so thankful, and honored to be part of Ang Panday.”

Dagdag pa riyan, na-appreciate ng Beauty Queen ang magandang pakikitungo ng kanyang direktor sa kanya. Tinawag niyang “genuine at mabait” si Coco.

Ayon sa Supervising Producer ng Ang Panday na si Malou Crisologo, simple lang ang naging payo ni Coco sa dalawa at ito ay “don’t act.”

Abangan si Miss International 2016 Kylie Verzosa sa Ang Panday sa darating na kapaskuhan!

Leave a comment