“Isa ang anak ko sa nabiktima niyo at iyon ang dahilan ng pagkamatay niya. Kaya nandito ako para singilin kayo.”

Ito ang mga salitang sinambit ni Cardo bago niya paulanan ng bala sina Homer (Jhong Hilario) at ang buong grupo ng Kamandag. Agad na bumagsak si Homer habang ang iba ay kumaripas. Kahit mag-isa si Cardo ay muntikan niya ng mapabagsak ang buong grupo.

Tunay na inabangan ng sambayanan ang paninigil ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa mga taong kumitil sa buhay ng anak niya. Sabi pa ng isang netizen, ang paghaharap ni Agila at Alakdan ay para daw tulad sa isang video game.

#Repost "@dreamscapeph Maraming salamat, Kapamilya! 👊📺 #FPJAPBagsik"

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Ngunit hindi pa tapos ang laban dahil gaganti si Alakdan kay Cardo. Sa tulong ni Cantindig (Sid Lucero), reresbakan ng Kamandag ang buong Pulang Araw.

Samantala, may mga umuusbong gulo din sa Maynila. Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang mga masasamang aktibidad ni Hipolito (John Arcilla, lalo na mayroon siyang bagong kalaban na si Mr. de Silva (Joko Diaz).

Tulad ni Hipolito, mayroon din makakapangyarihang kaalyado si de Silva na pinaghihinalaang si Don Emilio. Paano kaya maapektuhan nito ang buhay ni Cardo? Tutukan yan sa undisputed number one show nationwide, FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang dapat abangan mamaya sa #FPJAPBagsik.

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Leave a comment