Tiyak na mamahalin din ng LGBT community ang Ang Panday ni Coco dahil binigyan sila ng importansya sa kuwento ng pelikula.

Si Coco ang producer at direktor ng Ang Panday at base sa napanood namin, hindi siya nagtipid dahil malalaki ang lahat ng mga eksena.

Hindi madali ang mag-shooting sa Divisoria at sa Tondo pero nagawa ito ni Coco na walang takot na tumakbo sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue na punumpuno ng mga tao.

Impressive ang black and white opening scene ng Ang Panday na pinalakpakan ng audience.

May special participation sa pelikula sina Jeric Raval, Jaclyn Jose at ang mga artista na malapit sa puso ni Coco, kasama ang mga character actor na hindi na aktibo sa pag-arte pero binigyan niya ng second chance.

Leave a comment