Abante TNT

Literal na star-studded ang special screening ng Ang Panday sa Cinema 4 ng Trinoma noong Huwebes, December 14, dahil sa suporta ng mga kaibigan na artista ni Coco at ng cast ng Ang Probinsyano, ang kanyang top-rating primetime program sa ABS-CBN.

Sina Susan Roces, Eddie Garcia at Lito Lapid ang ilan sa mga veteran actor na dumalo sa special screening ng Ang Panday na binigyan ng G classification rating ng MTRCB.

No offense meant sa ibang mga pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2017 pero siguradong-sigurado kami na Ang Panday ang pipilahan ng moviegoers at mangunguna sa box office race sa opisyal na pagsisimula ng filmfest sa December 25.

Bukod sa pambata ang Ang Panday, mga bata at matatanda ang mga tagahanga ni Coco.

May dalawang bata, 7 and 8 years old, respectively, na isinama namin sa sinehan para manood ng Wonder Beki pero nang kanilang makita ang poster ng Ang Panday, pinilit nila kami na panoorin ang pelikula ni Coco.

Ipinaliwanag namin sa mga makukulit na bata na big fans ni Coco na hindi pa showing sa mga sinehan ang Ang Panday dahil sa December 25 pa ang playdate nito.

Ang dalawang bata ang pumilit sa amin na makilala nila nang personal si Coco at nangyari ito. Tulala ang mga bata nang makaharap nila si Coco nang personal dahil hindi sila makapaniwala na tao talaga ang aktor na kanilang napapanood sa Ang Probinsyano.

Leave a comment