By Ervin Santiago
Bandera

Certified phenomenal hit ang FPJ’s Ang Probinsyano sa patuloy na pamamayagpag nito sa national TV ratings at pagkapit ng mga Pilipino sa kwento ng pulis na si Cardo (Coco Martin) gabi-gabi.

Halos kalahati na ng buong sambayanang Pilipino ang nakatutok sa hit Kapamilya primetime serye matapos itong pumalo sa national TV rating na 46.7% noong Martes (Feb. 2), ayon sa datos ng Kantar Media.

Tinalo ng action-serye na pinangungunahan ni Coco ang sarili nitong record na 45.9% noong Lunes (Feb. 1) at nagtala ng pinakamataas na national TV rating para sa taong 2016.

Lubos na inabangan ng publiko ang pagtatapos ng misyon ni Cardo bilang Paloma at ang maaksyong pagligtas niya kay Carmen (Bela Padilla) pati na rin ang iba pang biktima ng sindikato.

Unang sabak pa lang ni Coco bilang maalindog na si Paloma ay naging usap-usapan na ito sa mga kabahayan at trending agad sa social media. Tunay ngang primetime king si Coco sa tagumpay na tinatamasa ng kanyang serye na hango sa pelikula ng nag-iisang Da King Fernando Poe. Jr..

Hindi lang sa TV naghahari si Coco kung hindi pati na rin sa mga sinehan matapos tumabo ng P528 million MMFF 2015 entry niyang “Beauty and the Bestie.”

Sa pagpapatuloy ng sinusubaybayang kwento ni Cardo, isang bagong misyon na naman ang kanyang haharapin at isang bagong karakter ang muling papasok para mas painitin ang panonood. Sino kaya ito? Siya ba ay kakampi o kaaway?

Huwag palampasin ang mga ma-aksyong tagpo sa phenomenal hit primetime serye na FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Read more: http://bandera.inquirer.net/115265/coco-may-bagong-misyon-kalaban-sa-ang-probinsyano#ixzz3zdnZ6UK9

Leave a comment