By Alex Brosas

Bandera

BIRTHDAY kahapon ni Coco Martin and he spent it with the cast and crew of FPJ’s Ang Probinsyano.

Matapos ang isang sportsfest, nagpakain at nagpainom lang si Coco. It’s how simple he celebrated his birthday.

We were touched at Coco’s humanity when we read Eric John Salut’s Facebook greeting which went like this: “Every year, sa ganitong date, pinag iisipan ko talaga kung paano siya igi-greet. Dahil birthday niya today. Pero kung iisipin ko, edad lang naman ang nababago, hindi ang kabutihan ng puso ng taong ito. Isa siya sa mangilan-ngilan na malaking parte ng buhay ko, ng pamilya ko.

“Mahal na mahal ko siya, mahal na mahal siya ng pamilya ko. Siya lang ang tanging artista na nakarating sa bahay namin. Ito ‘yung time na winasak ng bagyong Ondoy ang bahay namin.

Kinagabihan, dumating siya dala ang pagkain at mga damit. Hinding hindi ko ‘yun makakalimutan, sampu ng pamilya ko. Hindi pa siya masyadong sikat noon.

“Pero ngayon na Superstar na siya, he still checks on my family, sa akin. Pakabuting tao. Kaya sabi ko, kung makakabawi din ako sa taong ito. Kaya sa mga mangilan-ngilan lang namang pagsubok sa buhay niya, andiyan ako. Hinding-hindi bumibitiw. Yes, and as I type this, tumutulo ang luha ko. Kuya @mr.cocomartin, ngayong kaarawan mo, dalangin ko na biyayaan ka pa ng Panginoong Diyos ng mas maraming blessings na sini-share mo din sa maraming nangangailangan.

‘Salamat sa Diyos at nariyan ka. Salamat sa yo at sa kabutihan mo. Pinakamasayang kaarawan, Kuya! #HBDCocoMartin.”

Now we understand why Coco is so blessed!!!

Source: http://bandera.inquirer.net/135837/coco-ok-na-sa-simpleng-b-day-party-pinakain-pinainom-ang-mga-katrabaho

Leave a comment