Bandera

“HINDI kami napapagod…kasi alam naming na nai-isipire namin kayo. Alam namin na nakakapag-inspire kami ng bawat Filipino. Mahal na mahal ko kayo!”

Ito ang ipinahayag ng King of Primetime na si Coco Martin sa katatapos lang na “FPJ’s Ang Probinsyano: Isang Pasasalamat” two-city thanksgiving last week sa Middle East.

Binitawan ni Coco ang mga salitang ito dahil mula sa Pilipinas hanggang sa Gitnang Silangan, patuloy na minamahal ng mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang nangungunang teleserye sa bansa, ito ngang FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Bilang pasasalamat ng long-running at award-winning teleserye para sa mga sumusuporta rito, dinala ng ABS-CBN The Filipino Channel ang ilang miyembro ng cast sa pangunguna ni Coco sa Al Khobar at Dubai at bilang hudyat din ng pagsisimula ng ika-20 anibersaryo ng TFC sa Middle East.

Inilunsad noong 2015, patuloy pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa pamamayagpag sa TNS Kantar ratings sa Pilipinas at sa ibang bansa bilang isa sa mga programang may pinakamaraming views sa TFC.tv. Ilan lamang ito sa mahabang listahan ng achievements ng serye.

Kaya naman sa unang anibersaryo nito, ibinahagi ng cast members ang taos-pusong pasasasalamat sa pamamagitan ng musika at tawanan sa unang leg ng world tour nito.

“Napakarami ko nang lugar na napuntahan. Ang daming blessing na dumating sa buhay ko at gusto kong ibalik ito sa inyo. Gusto kong pumunta rito para magpasalamat ng personal,” ani Coco.

At bilang pasasalamat, nagbahagi ng ilang awitin at sayaw ang Kapamilya Heartthrob. Sa FPJ’s Ang Probinsyano, hinahangaan siya bilang si Cardo, isang simpleng pulis na nais lamang na bigyan ng marangal na buhay ang kaniyang pamilya.

Source: http://bandera.inquirer.net/139321/coco-sa-mga-ofw-gusto-kong-ibalik-sa-inyo-ang-blessings

2 comments

  • Angie

    Nakakataba po ng puso. Salamat po kuya deng

    Reply
  • Abigail Ramirez

    Yey! Active na ulit ang website ni Kuya Coco 😊😀 Salamat sa pagpunta dito sa Saudi! Salamat sa inspirasyon! 😍 Sana makapag kita tayo ulit sa ‘Pinas! 😀 Mahal na mahal ka din ng mga OFW!! 😍😍😍

    Reply

Leave a comment