(Pilipino Star Ngayon) | Updated March 8, 2016

MANILA, Philippines – Patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Ang Probinsyano (43.2%) noong Pebrero bilang numero unong programa sa buong bansa mula nang simula itong ipalabas limang buwan na ang nakalilipas ayon sa datos ng Kantar Media.

Sinusundan ito ng Pangako Sa ‘Yo (40.1%), na paulit-ulit binasag ang sariling ratings records sa huling buwan nito sa telebisyon. Ito ang unang beses na hinigitan ng dalawang programa ang 40% na marka para sa monthly average rating mula nang sila ay ipalabas. Ilan pang programa ng Kapamil­ya network na nakapasok sa Top 5 ay ang katatapos lang na Dance Kids (35.2%) na puma­ngatlo, na sinundan naman ng bagong paborito sa primetime, ang Dolce Amore (34.6%), at ng weekend program na Pilipinas Got Talent Season 5 (32.7%).

Kumumpleto sa Top 10 programs ay ang MMK (31.6%), TV Patrol (30%), Wansanapataym (29.8%), Home Sweetie Home (26.7%), at Rated K (24.6%).

Ang primetime block ay nananatiling balwarte ng mga Kapamilya dahil naitala nito ang ave­rage audience share na 51% , para sa buwan ng Pebrero. Bukod sa mga nakapasok sa Top 10, ang iba pang programa ng primetime tulad ng Pasion De Amor at On The Wings of Love, ay hindi rin naman papahuli sa pagtatapos nila sa ere nang may matataas na average national rating na 18.1% at 21.4%, para makapasok sa Top 20.

Samantala, sa weekday noontime slot naman, patuloy na namamayagpag ang It’s Showtime (18.1%) na malaki ang tulong ng bagong segment nitong Tawag ng Tanghalan para muling umarangkada.

Ang panibagong singing contest naman ng ABS-CBN tuwing weekend na I Love OPM ay maganda rin ang panimula sa ere sa pagtala nito ng average rating na 20.1%, na tamang-tama lang para makapasok pa ito sa Top 20 programs. Para kumpletuhin naman ang mga programa ng ABS-CBN tuwing weekend, na nakapasok din sa Top 20, ay ang Goin’ Bulilit (21.4%), at Ipaglaban Mo (18.7%).

Source: http://www.philstar.com/psn-showbiz/2016/03/08/1560607/fpjs-ang-probinsyano-hindi-pa-rin-matibag-sa-tuktok

1 comment

  • YVONNE TUSALEM

    HELLO AGAIN MR. COCO MARTIN! C O N G R A T U L A T I O N S! PHENOMENAL STAR OF 2015 , 47TH BOX ENTERTAINMENT AWARDS! I’M SURE YOUR SIGNIFICANT OTHER MISS PRETTY WOMAN (JULIA MONTES) IS SO PROUD OF YOU! STAY SAFE BOTH OF YOU BEAUTIFUL COUPLE! GOOD EVENING OUT THERE AND GOOD NIGHT FROM HERE IN SUNSHINE STATE ARIZONA

    Reply

Leave a comment