The cast of the country’s number one primetime series “FPJ’s Ang Probinsyano” joined the festivities in this year’s Panagbenga Festival and expressed their gratitude to over two million spectators for the success of the hit show.

Bringing fun to the event were Coco Martin, Maja Salvador, Xymon Pineda, and Pepe Herrera, who joined the festival’s grand float parade. Around 30,000 supporters also flocked to the Burnham Lake Drive to watch the series’ cast who entertained them with special performances.

Coco Martin, meanwhile, visited and bonded with the residents of Brgy. Irisan in Baguio.

As the scenes get more thrilling in the Coco-starred series, Cardo (Coco) successfully saved Trina (Anne Curtis) from the hands of the rebels led by Roberto (Nonie Buencamino). However, to protect Trina, Cardo let Trina stay in their house until they find out why Roberto is plotting revenge against Trina’s step-father Michael (Christopher De Leon). Now that they are living under one roof, will Cardo and Trina get even closer to each other? What other dangers should Cardo prepare for?

Don’t miss the action-packed scenes in “FPJ’s Ang Probinsyano,” weeknights in ABS-CBN. For more information about the program, visit the official social networking site of Dreamscape Entertainment Television at Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, and Instagram.com/DreamscapePH.

-30-

CAST NG “FPJ’S ANG PROBINSYANO” SINALUBONG NG MILYUN-MILYONG FANS SA PANAGBENGA FESTIVAL

Naki-fiesta at nagpadama ng taos-pusong pasasalamat ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” para sa tagumpay ng numero unong primetime series sa dalawang milyong turistang dumalo sa nakaraang Panagbenga Festival.

Umikot sina Coco Martin, Maja Salvador, Xymon Pineda, at Pepe Herrera sakay-sakay ng “Ang Probinsyano” float at nakisaya sa mga Kapamilyang tagasubaybay ng aksyonserye. Inabangan din ng 30,000 fans ang mga performance ng mga bida ng serye sa Burnham Lake Drive.

Bukod pa riyan, bumisita rin ang Idolo ng Masa sa mga Kapamilya ng Brgy. Irisan sa Baguio at namahagi ng ilang biyaya upang makatulong sa pamumuhay ng mga residente roon.

Samantala, sa pagpapatuloy ng umiinit ng tagpo ng serye, nailigtas na ni Cardo (Coco Martin) ang buhay ni Trina (Anne Curtis) mula sa kamay ni Roberto (Nonie Buencamino). Ngunit dahil hindi pa nila alam ang motibo ng paghihiganti ni Roberto (Nonie Buencamino) sa amain ng fashion designer na si Michael (Christopher De Leon), minabuti na lamang muna ni Cardo na patuluyin sa kanilang tahanan si Trina upang masiguro ang kanyang kaligtasan. Maging daan na kaya ito para sa kanilang pagkakamabutihan? Ano pa kayang kaganapan ang dapat paghandaan ni Cardo?

Huwag palampasin ang mga ma-aksyong tagpo sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Source: http://abscbnpr.com/millions-of-fans-show-love-for-cast-of-fpjs-ang-probinsyano-in-panagbenga-festival/

Leave a comment