Determinado si Alakdan (Jhong Hilario) na pabagsakin ang Pulang Araw at lalong lalo na si Fernan matapos ang ginawa nilang paglaban sa hukbo nito.

Ayon sa teaser ng undisputed number show nationwide, isisiwalat na ni Alakdan kay General Renato (John Arcilla) ang tunay na katauhan ni Cardo at ang kinalalagyan ng kampo ng Pulang Araw. At dahil gusto niyang lumakas ang kanyang rating para sa darating na eleksyon, pababagsakin na ni Renato ang grupo ni Leon (Lito Lapid) gamit ang SAF.

Bagama’t malalagay muli sa panganib ang buhay niya, ito na rin ang pagkakataon ni Cardo na makamit ang hustisyang hinahanap niya para sa namatay na anak.

Bukod pa diyan, nagpaplano na rin si Cardo na bumalik na sa Maynila at mukhang mayroon siyang mga bagong kalaban sa katauhan ni Mr. de Silva at ang nagbabalik, na si Don Emilio.

At sa Gabi Ng Huling Hininga, sino kaya ang mamaalam? Abangan yan at marami pa sa FPJ’s Ang Probinsyano, pagkatapos ng TV Patrol.

1 comment

  • Adora

    Dapat pagandahin nyo pa na husto para tumagal pa at patayin na jan c Jong at Emilio, wag sna magalit c Leon Kay car do kc narinig Nya ata na tinawag cyng dalisay.

    Reply

Leave a comment