Marami ang nagulantang sa mga naging eksena sa undisputed number one show nationwide, FPJ’s Ang Probinsyano, noong nakaraang linggo.

Sinubukan na kasing kunin ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang loob ni Homer “Alakdan” Adlawan upang malaman niya na kung sino ang mastermind sa rebelyon na nakaka-apekto sa bansa. Isa pa sa mga nabiktima ay ang kanyang anak na si Ricardo “Ricky Boy” Dalisay, Jr.

Hindi naging madali, dahil noon pa lang ay duda na sina Homer at ang kanyang ka-grupo kay Cardo o kilalang Fernan sa Pulang Araw. Ngunit napasa ni Cardo ang pagsubok sa kanya ni Homer at opisyal na siyang tinanggap sa Kamandag.

Susukuan na ba ni Cardo ang kamandag ni Alakdan? Tutukan today, Wednesday sa #FPJAPIpagagawa

A post shared by Eric John Salut (@ericjohnsalut) on

Tutukan ngayong gabi sa #FPJAPMayPakana

A post shared by Eric John Salut (@ericjohnsalut) on

Para sa kanyang unang misyon, pinadala si Cardo sa Maynila upang kunin ang mga bomba dahil may bagong masamang plano na naman si Director Renato “Buwitre” Hipolito at Major Manolo “Nolo” Catindig.
Bago niya gawin ang kanyang misyon, kinita niya muna ang kanyang mga kasamahan sa SAF na sina SPO2 Geraldo “Gerry” dela Paz (Ejay Falcon) at PO3 Katrina “Kat” Velasco (Louise Delose Reyes), upang sabihin sa kanila ang binabalak ng Kamandag at ang kanyang sariling misyon. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita na sila Alyanna (Yassi Pressman) at si Cardo.

Masama pa rin ang loob ni Alyanna sa kanyang asawa dahil wala itong sinasabi sa kanya habang nasa Pulang Araw siya. Natural na nag-aalala si Alyanna at nung naabutan pa nito si Cardo sa Ospital na kasama si Lena (Yam Concepcion) at anak nito, nagulantang na lang siya. Ngunit siyempre mahal pa rin ni Alyanna si Cardo at kahit papaano ay nagkaayos sila.

Ang pag-anib ni Fernan kay Alakdan, ngayong gabi na sa #FPJAPMapaniwala

A post shared by Eric John Salut (@ericjohnsalut) on

Tutukan ngayong gabi sa #FPJAPKaagaw

A post shared by Eric John Salut (@ericjohnsalut) on

Ang pagkikita ng dalawa ay ikinasaya ng buong sambayanan. Sa katunayan ay nag-trending ang #FPJAPBalikMaynila sa social media. Tignan ang ilan sa mga naging reaksyon noong Biyernes sa baba.

Mamayang gabi, magiging parte na rin ng number one show in the Philippines, ang aksyon star na si Joko Diaz. Ano kaya ang magiging papel niya sa buhay ni Cardo? Abangan yan sa FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

Ang dapat abangan mamaya sa #FPJAPCountdown

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Leave a comment