Yes! was able to take a full peak on Coco Martin’s 2,000-square-meter newly-built house. And, this was their first main issue for the year of 2015.

coco yes jan2015 cover

‘Ang ganda at sobrang laki.’ Marahil ay iyan ang nasabi ng karamihan ng nakabasa sa January 2015 issue ng Yes! magazine kung saan ipinakita ang bagong bahay ng Primetime King na si Coco Martin. The photographer of the magazine was able to take beautiful shots of every part of Coco’s new house – starting from the swimming pool and the facade down to each and every room. Detalyado ang pagkaka-larawan sa mga parte ng bahay, gaya ng artworks sa main door, mga materyales na ginamit, mga kakaibang poste sa loob ng bahay, gamit sa kwarto niya, ng kaniyang ina, ama, kapatid, lola, mga taong tumulong sa pagbuo ng bahay niya at iba pa. Nakakatuwa pa ang kwento niya kung paano niya nabili ang napakalaking bahay.

coco yes photo 01
coco yes photo 02
coco yes photo 03
coco yes photo 06

 

Binalikan din ni Rodel Pacheco Nacianceno o mas kilala bilang si Coco Maartin ang pagiging isa niyang ‘normal na bata’ at ‘batang kalye’ na marahil ay makaka-relate ang marami. Nai-dagdag pa na siya yung tipong ‘won’t back down from any fight’. Makaka-simpatya naman sa kanya dahil sa kwento niya sa pagiging independent. Lumaki siya na wala ang kanyang mga magulang kaya sinubukan niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtra-trabaho (para makatulong na kumita sa lola niya).

Raket Man. Iyan ang isa sa mga itinawag sa kanya ng Yes! magazine dahil sa iba’t-ibang trabahong pinasok ni Rodel na kahanga-hanga naman. Naikwento niya kung paano siya na-discover at kung paano nagsimula ang showbiz career niya. Ni-recall din niya ang pagiging ‘Indie Prince’ kung saan doon unang na-hone ang talento niya sa pag-arte.

At, tuloy-tuloy ang nakakatuwang mga kwento hanggang sa pagpasok niya sa ‘Mainstream’ media. Dito, inalala niya ang unang malaking teleserye na ‘Tayong Dalawa.’ Ito ang nagbukas ng maraming pintuan para kay Coco sa iba’t-ibang projects niya sa ABS-CBN. Pero, nai-share niya rin ang pagiging ‘takaw-disgrasya’ dahil sa mga aksidente na nangyari sa kanya sa shooting.

Wala rin namang takas si Coco sa usapang ‘lovelife.’ Na-klaro muna ang issue sa pagiging ama ng anak ni Catherine Luna – hindi siya ang ama ng anak ni Catherine ayon sa DNA test na isinagawa pero kahit ganoon ay may malaking kabutihan pa rin na ginawa si Coco para sa bata. Inisa-isa din naman ang mga tanong ukol sa mga naging leading ladies niya from KC Concepcion, Julia Montes, Maja Salvador, etc.

Buong-buo ang kwento ng Yes dahil may pasilip din sila sa bahay ni Coco sa Novaliches. Lalo pang mas nakilala si Coco dahil sa kinalakihan niyang bahay ni Lola Matilde. May mga nakakatuwang kwentong ibinahagi, gaya ng paggising niya ng 7 a.m. at ang unang tungkulin niya na paglilinis ng bahay bago siya lumabas at makipaglaro. May mga litrato din ‘mula sa baul’ na ipinakita si Coco. ‘Saan si Coco dyan?’ some readers might ask.

Bago pa man matapos basahin ang feature kay Coco, hindi maiiwasang mapa-‘Wow!’ sa pagapapakita niya ng ‘resort feel’ na garden-pool. At, hindi rin naman niya nakalimutan ang recognition sa mga fans na nagmamahal sa kanya. He ended “Kung sino ‘yong mga fans ko ngayon, sobrang happy ako, kasi alam kong loyal ang mga ito. Anuma’t ano ang mangyayari sa akin, kumbaga, kahit hindi na ako ganito kainit sa mata ng tao, alam ko nandiyan pa rin sila. Kasi ang nakita nila sa akin e ‘yong talent ko, more than ‘yong kasikatan ko.”

coco yes photo 05

coco yes photo 07

Nabanggit rin naman ni Coco ang all-time favorite Filipino dish niya. Kaya kung gusto niyong ipagluto si Coco at ma-inspire sa kwento ng buhay niya, grab a copy of Yes’ magazine’s January 2015 issue.

Leave a comment