Philstar

Kesa mag-direk at umarte

Very proud and happy si Coco Martin sa mga papuring natatanggap niya bilang pinakabagong direktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. The actor made his film debut as a director sa Ang Panday na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2017 at nagkaroon ng special screening/conference for the entertainment press last Thursday sa Trinoma.

For a first timer, sobrang pasado ni Coco bilang direktor at ang iisa ngang comment ng lahat, parang hindi ito ang kanyang unang directorial job.

Kaya naman, sobrang happy ng aktor na na-appreciate ng mga nanoood ang kanyang pelikula.

“Masaya, kasi siyempre, that time, nanoood ako as a director, not as an actor. Siyempre, pakikiramdaman mo kung okay ba sa mga viewers, the more na naa-appreciate nila ‘yung ginawa mo, masarap sa pakiramdam, ‘yun ang pinakamasarap na mararamdaman mo,” pahayag ni Coco.

Ninenerbyos nga raw siya noong una habang pinapanood niya dahil nga hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng viewers pati na ang co-actors niya.

“Pero nung naramdaman kong tuwang-tuwa si Lito Lapid saka si Jake (Cuenca), medyo nakampante na ako kasi siyempre, mahirap sa isang lalaki, eh. Lalung-lalo na, kung baga, almost everyday, nasa FPJ’s Ang Probinsyano ako, paano ko pa malalampasan ‘yun?

“And sabi ko nga, para si Sen. Lapid mapabilib ko sa mga eksena saka si Jake, natuwa siya sa mga eksena namin, masaya ako du’n,” he said.

Hindi ba mahirap na maging direktor and at the same time ay aktor din?

“Honestly, hindi ako gaanong nahirapan, kasi ano, eh, siguro, medyo na-ano na rin ako, nasanay na rin ako sa FPJ’s Ang Probinsyano at ibang ano ko.

“Kaya ko, eh, kaya kong ano. Ang mahirap, pinakamahirap, maging producer. Kasi ‘yung consideration. Halimbawa, katulad nu’n, umulan, siyempre, ‘naku, paano ko matatapos?’, ang laking. . .ko-compute-in mo ngayon ‘yun,” natatawang sabi ni Coco.

Bagama’t co-producer niya sa pelikula ang Star Cinema at Viva Films, he revealed na siya muna talaga ang naglabas ng lahat ng gastos.

“Sabi ko, saka na kami mag-usap-usap pag natapos ko na ‘yung pelikula. Ako na po muna. Kasi para ‘yung buong vision ko sa pelikula, ako. Kasi mahirap ‘pag may iba kang ano, baka mamaya, siyempre, marami nang consideration,” saad ni Coco.

Ayaw nang i-reveal pa ng aktor kung magkano ang nagastos niya sa movie, basta aniya ay malaki raw. Pero ang importante raw ay happy siya sa outcome nito.

Direk Malu saksi sa paghihirap ng bagong Panday

Nakausap din namin si direk Malu Sevilla sa presscon and screening ng Ang Panday at hindi niya talaga maitago ang pagka-proud kay Coco bilang kanyang anak-anakan.

“Bilang magulang na rin niya, sobrang proud talaga ako sa kanya. I can’t be any proud,” masayang sabi ni direk Malu.

Ang naturang direktor ang naging parang mentor na rin ni Coco nang pumasok siya sa ABS-CBN. Napakaraming proyekto na nilang pinagsamahan magmula sa Nagsimula sa Puso noong 2009 at hanggang ngayon sa FPJAP.

“Nakita ko ang paglago niya mula noon, ang improvement niya, ang development niya, ang passion at dedication niya sa trabaho. Alam kong dream niya ito (ang maging direktor) at sobrang happy ko na natupad na niya,” sey ng Kapamilya director.

Nakita rin daw niya kung gaano pinaghirapan ni Coco ang Ang Panday.

Leave a comment